Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Sunday, October 31, 2004

Hell week was over...

Free at Last... Thank God almighty, I am free at last...

shit talaga, buti na lang tapos na lahat ng problema ko for this midterms week... sana na lang talga pumasa na sa exams at matataas ang mga midterm grades...

wala pang formal na results. saka ko na lang ilalagay ok...

ang masaya, maglalagay ako ng mga pics. especially sa tapat FE at nung nag baywalk kami.

saka na yung bay walk ok...

kwento ko kung ano nangyari dun, together with my tropa in HS, ar3sundays and markhie...

*PICTURES*

eto nung flagsweep together with the frosh candidates and the core...
Image hosted by Photobucket.com


o cge, dito na muna... post ko yung pic sa baywalk sa susunod... astig yun...

Wednesday, October 27, 2004

Recent events sa buhay ko...

hehehe... 2 days down... malapit na matapos ang potahng october...

ok, so tapos na yung monday at tuesday at im happy na nasagutan ko ng maayos ang mga exams... ang sakit kaya ng ulo ko, feeling ko magkakasakit ako...

Nung monday, langya na CRITHIN midterms yan, nalito ako sa modus tollens at modus ponens, kaya ayun, mababa ang result ng test ko... pero at least pasado... mamaya pa ang COMCALC, pero ok siya, hindi ko lang na-graph ang equilateral hyperbola kasi hindi ko alam at isa pa, tapos na ang time...

Nung tuesday, masaya ako sa ACCOM2B dahil nasagutan ko siya lahat at 98/100 pa ako sa exam... ang BUSSTAT naman, ok lang dahil natapos ko siya ng confident ako pero siguro may mali din dahil dun sa variance, na hindi ko lam, dahil nakalimutan ko sa inaral ko..

so midterms na lang sa thursday at saturday...kaya ko to! go for 4.0! (FYI: 4.0 ang highest ha!)

happy birthday nga pala kay mico isaac! pamangkin-inaanak ko siya, 1 year old na siya at sa saturday ang tsibog. hehehe...

malapit na rin birthday ko... yehey...

*OTHER MATTERS*
1. Bad trip talaga ako sa mga taong know-it-all. pasaway sila. pwede, wag nyo ako turuan unless hindi ako humuhingi ng tulong sa inyo dahil minsan bumababa ang pride ko pag bigla kayong umeentra sa buhay ko... please lang po, tantanan niyo ako, ayoko ng mga mayayabang..
2. Bad Trip ang COMP2AC na subject. (subject hindi professor) hindi ko makita ang purpose ng pag-aaral ng normalization, ER diagram, Database, etc. eh ang gagawin namin sa final project eh visual foxpro! at ang baba pa ng grades ko! shit talaga...
3. in fairness, natutuwa ako sa mga accounting blocks ng batch namin, dahil kung hindi dahil sa modular accounting, hindi magiging ganoon ka-bonded ang mga blocks... close kasi lahat ngayon...
4. hay naku, santugon week ngayon... eh ano ngayon... dapat tapat... tapat dapat...

o sige, dito na muna!

Saturday, October 23, 2004

hahaha... tapos na ang unang hell week!!!

isang linggo na lang... pahinga na ako...
13 days na lang birthday ko na...

hay sa wakas, tapos na ang isang linggo ng pahirap... last week na ng october at ang formal start ng midterms dito sa mahirap na de la salle university-manila...

astig yung test kanina sa FINMA1A, actually, i found it madali. solve ka lang ng solve. akla ko may financial statement analysis, wala na pala.. na correct ko na rin ang aking pagkakamali sa statement of cash flows, at na-correct ko na rin ang schedule of cash budget. may mali na lang siguro ako sa multiple choice at problem solving. wag na lang sana sobrang laki ng mali... hehehe...

ok, gaya nung pinost ko dati, alam niyo na siguro kung ano ang padating ko na pahirap... at kailangan ko na ulit mag-aral mamaya... hindi na ako makasama sa mga pinsan-tropa ko na puro mga sembreak ngayon. tama ba naman na sabihan na jologs ako dahil daw trimester ako? e ano magagawa ko? hehehe...

astig sa bahay, may bagong tv, at ang laki pa... parang nanonood ka sa sinehan. nakakaduling nga lang kaya dapat ayusin...

malapit na birthday na koy-koy... pamangkin-inaanak ko un... at siguradong mdami na namn tao sa bahay niyan... kailangan mag-aral pa...

do i sound like a nerd or geek? hindi naman siguro... kailangan ko lang talaga bumawi dahil 2nd chance ko na ito... at ayoko ng papangitin pa ang aking naitayo na pangalan...

astig nga pala yung groups simulation 2 sa lasallian ambassador.. tama ba naman na pagtripan ako. pero at least mukhang napabilib ko sila. hehehe... sana naman matanggap ako... group sim 1 na lang at interview...

o siya, siya, tama na muna ito... god bless na lang ulit sa akin ngayong last week ng october...

Wednesday, October 20, 2004

I hate this last two weeks of October...

Ano to? Patayan na naman???

shit talaga itong last two weeks na ito... to start off, quiz namin nung monday sa busorga. nanghula lang ako sa iba dahil most of the test questions, hindi galing sa notes... grrr... pero at least, i managed to get a 42/50 grade... hehehe... tuesday sucker... ang test sa comp2ac, ok naman, mahirap lang ang ER diagram at logical modelling ek ek. At ang finma1a, pasaway! mali-mali ang mga ginawa ko. punyeta talaga. hindi na ako makakuha ng mataas na scores sa mga quizzes ko... sana mag-DL pa rin ako ngayong term... nakakainis talga...

what to expect sa mga susunod na araw? Mid term exams sa saturday ng FINMA1A... Group simulation ko din for Lasallian Ambassadors for that day also.
Monday - mid terms for CRITHIN, 2nd quiz in COMCALC
Tuesday - 2nd quiz ko sa BUSSTAT, 4th quiz ko sa ACCOM2b
Wednesday - Game nmin volleyball vs C2T8, Group simulation 1 ko sa Lasallian AMbassadors.
Thursday - Mid term exams sa ACCOM2b, gabi pa sked
Friday - aral for other subjects
Saturday - Mid terms ng COMP2AC

Bullshit!! Please sana matapos na ang october!!! Para november na, birthday ko na on november 5! yeheY!

*OTHER MATTERS*
- I like the way yung mga nangyayari this games namin sa LSAL, 2-0 na kami. Tinalo namin 4th year ENG, 2nd year CLA (puro bakla)... astig talga... feeling ko malakas talaga team namin. ooppss.. hindi pala feeling... totoo pala...
- hindi ko na siya nakikita for a week na yata... kasi ewan ko, naiirita ako minsan kasama siya kasi ako yung nahihiya for her dress. sana ma-realize niya na maganda siya kahit na ganoon ang dress na sinusuot niya... miss ko na nga siya eh.. (cno kaya yun???)

o siya, siya... dito na muna ulit... i will survive this october!!!

Sunday, October 17, 2004

Masayang CBE day... kahit papaano...

ibang klase talaga mga taga-CBE... mauutak...

CBE day nung friday... masaya kasi wala akong classes sa mga subjects k dat day... haaay... enjoy muna ang araw dahil masakit nung thursday dahil namatay na yung aso ko na lumaban sa kanyang karamdaman... huhuhu...

wel anyway, start muna ang araw ng mass... after nun, stamp na kagad. ok may 10 points na ako... yehey... after non, ribbon cutting etc. ang weird ng araw na yun because ang mga students, kaya lang pumupunta sa ganon dahil para magpatatak. eh nung after nung ribbon cutting, akala nila sa central plaza ang opening. tapos nung inanounce sa william shaw pala, ayun nagtakbuhan lahat... nyehehe... 40 points yun. if you bought a shirt, tapos ka na non after nung opening. yung iba, nag-uwian yata kagad.. hay naku... ang iba talaga...

iba naman ako. i stayed, kahit na may 100 points na ako. i attended the seminar on corporate governance... nakakaantok yun... may masamang girl na tumitingin sa akin, nagagalit na siguro sa akin kasi nakakatulog na ako. pag kita ko sa kanya, nakakatulog din. sabi ko sa sarili ko, :ano ba yan, tumitingin ng masama, siya rin naman pala..." after nung talk, yun pala yung chair ng MFI, at may interview pa ako sa monday... at siya ang mag-iinterview... sana hindi niya matandaan yung name ko...

after the talk, kainan na sa may marian quadrangle. ok yung food kahit papaano... after that, fun games na. pinanood ko yung basketball showdown ng mga professors... hehehe... nakakatuwa sila panoorin lalong-lao na ang mga eco professors... hindi ko alam kung sino nanalo, umalis kasi ako eh...

ang pinakamasaya sa araw na iyon ay ang variety show... astig talaga yung show na yun. benta pa si mito mag-emcee at si atty. jocelyn cruz... bagay sa kanilang dalawa ang mga ginawa nila. wala ring tatalo kay ms. elsie velasco sa pagsasayaw niya at ang naka-partner niya na si Dr. tullao, dahil nakaka-flip itong tao na ito... hehehe...

aion, enjoy, uwi ako kagad kasi napagalitan kasi ako nung thursday. umuwi kasi ako 10pm na... naglaro kasi kami ng volleyball, panalo kami .vs. 56th eng (4th year eng)... ayon, astig talaga...

o cge, dito na lang muna...

Wednesday, October 13, 2004

Surveys... masaya to...

1. ANO'NG STUDENT NUMBER MO?
- 103**53*

2. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?
- passed

3. PANO MO NALAMAN ANG ENTANCE EXAM RESULT?- una sa cellphone, eh ayaw ko pa maniwala, hanggang sa dumating ang letter... ayun, pinagyabang ko sa mga classmates ko... hehehe...

4. FIRST CHOICE MO BA ANG LASALLE? - nope, UP talaga ako... i want to study there... wala sa aking dreams or pangarap na makapasok sa lasalle...

5. ALAM MO BA ANG DLSUCET SCORE MO?- hindi eh... basta ang alam ko nakapasa ako...

6. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
- BS Accountancy

7. SECOND CHOICE?- BS Computer Engineering

8. ANO COURSE MO NGAYON?
- BS Accountancy

9. MAY PLANO KA MAG-SHIFT?
- meron... baka CBE courses din...

10. CHINITO/CHINITA KA BA?
- sabi ng mga classmates ko nung high school, chinito daw ako... sabi ng mga blockmates ko sa lasalle, ang kapal daw ng mukha ko... hehehe

11. TAGA-DLS Greenhills/ Zobel k ba?
- how i wished...

12. NAG-ENJOY KA BA SA SALIKSIK?
- masarap food, kwentuhan, recollection, atbp. enjoy? hindi.

13. SAANG GATE KA PUMASOK NUNG FIRST DAY?
-south gate

14. NAKAPAG-DORM KA NA BA?
- hindi pa, pero gusto ko...

5. NAKA 0.0 KA NA BA?-
-thanks to God, hindi pa... at never mangyayari yun...

16. NAGKA-4.0?
- oo naman, since 1st term, 1st year pa...

17. HIGHEST GRADE:- 4.0

18. LOWEST:- 1.5

19. WORST EXPERIENCE SA DLSU:
- yung maka-receive ka ng 1.5 sa walang kakwenta-kwentang subject na ECONONE... at saka, yung ma-isnatchan ka ng wallet na naroon ang ID ko...

20. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
-oo, iniisip ko kasi yung bibayad ng parents ko dito... hindi ko ma-imagine kung nilulustay ko lang ang pera nila, napakasama ko naman nun...

21. ANO'NG ORG MO?-
- ALyansang Tapat sa Lasallista, Junior Philippine Institute of Accountants, at La Salle Athletic League

22. MAY SCHOLARSHIP KA BA?
- wala, nahuli ako ng application eh....

3. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO? -
-87 na yata...

24. NANGANGARAP KA BA NA MAG-CUM LAUDE?-
- oo... kailangan at least mangarap ka na maabot mo yun...

25. KELAN KA MAGTATAPOS?
-hopefully, 2006, 2nd term

26. FAVE TEACHER/S:
- Ms. Elsie Velasco(ACTTWOA), Ms. Joy Rabo(ACTONEA), Ms. Editha Trinidad(ACTONEB), Ms. Marivic Manalo(ACTONEA), Ms. Caroline Lontoc(GENPSYC), Dr. Luis Dery (JPRIZAL), Mr. Nonon CArandang III (FILIPI1)

27. WORST TEACHER:
- Ms. Ma. Concepcion Latoja (ECONONE)

28. FAVE SUBJECT/S:
- accounting, history, at math...

29. WORST SUBJECT:
- ECONONE and OBLICON

30. FAVE LANDMARK SA DLSU:
- Yuchengco... ang ganda-ganda niya tingnan...

31. BUILDING:
- Saint LaSalle Hall, at saka Yuchengco Hall

32. PABORITONG KAINAN:
- halos lahat yata ng malapit sa lasalle..

33. ESTUDYANTE BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
- minsan oo, minsan hindi...

34. LAGI KA BA SA LIB?
- yup, pag nagbabasa ako at nag-aaral...

35. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUNG MINSANG NAGKASAKIT KA?
-oo, natulog na nga ako dun eh...

36. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
- oo, namimiss ko na nga siya eh...

37. BF/GF?
- sana meron..

38. MAY BALAK KA BA MAG-MASTERS O MAG-PHD?
- oo...

39. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO? -
- 1st term - Basketball, 2nd term - Ballroom Dancing, 3rd term - Swimming... (4.0 ako lahat... astig...)

40. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
- masaya! astig yung iba, yung iba hindi...

41. NAKAPANOOD KA NA BA NG GRADUATION SA LASALLE?
- gusto ko sana kaya lang hindi pa..

42. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG?-
- syempre naman...

43. MEMORIZE MO BA ANG REKTIKANO?
- ganito ba yun? rektikano, keena-keena, rektikano keena-keena rektikano, rektikano, rektikano rah!

44. E ANG BUMAKAYA?
- as in bumakaya, imakadiwa? syempre.

45. E ANG LASALLE SPELLING?- L-A-S-A-L-L-E Lasalle RAH! oo naman...

46. MEMBER KA BA NG DLSU VARSITY TEAM?
-hindi eh, pero if given the chance to play, gusto ko sa Green Spikers...

47. SINO ANG PABORITO MONG UAAP BASKETBALL PLAYER?
- joseph casio at joseph yeo, sama mo na si cardona...

48. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?- oo naman! ang sarap ng feeling

49. ANO'NG AYAW MO SA FINALS WEEK?
- hassle, lalo na pag sabay ang test sa isang araw....

50. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
-dati pa, favorite ko pa nga, combination ng gin, pineapple juice at red horse beer... bagsak ako don!

51. DITO KA BA NA-DEVIRGINIZE?
-(praying) our father who are in heaven, holy be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.. ano to? di ko alam to eh... (yuck..)

52. ANO'NG GUSTO MO SA SCHOOL NATIN?
- una, parang ayoko kasi boring, puro classrooms lang, pero nung nag-active na ako, don ko na-appreciate ang lasalle... kaya masaya!

53. ANO'NG AYAW MO?
- punyetang tuition fee...

54. BUMILI KA NA BA SA SHOP SA SPORTS COMPLEX?
- oo... mga stickers yata at tshirt...

55. MAGANDA BA ID PIC MO?
- gwapito... hehehe...

56. MAY GINAWA KA NA BANG ILLEGAL SA LOOB NG CAMPUS?
- so far, wala pa naman...

57. NAKABILI KA NA BA NG GAMIT SA BOOKSTORE?
- malamang di ba? kailangan mo ng gamit eh...

58. NAG-STARBUCKS KA NA BA sa TAFT? -
- nakapasok na pero hindi pa ako nakakabili...

59. MAY NAKAAWAY KA NA BA SA LASALLE?
- away ba yung nang yari sa blockmate ko at sa akin... siguro hindi pa...

60. ANONG FAVORITE MONG NANGYAYARI SA LASALLE?
- Freshmen Elections, General Elections, Tapat Anniversary PArty, Pep Rally, Animo Victory Party at mga COncerts!

Tuesday, October 12, 2004

Cute pictures... part ng buhay ko to...

ang mga astig kong tropa sa lasalle...
Image hosted by Photobucket.com

ang mga tropa ko sa saint anthony school...
Image hosted by Photobucket.com

at eto pa...
Image hosted by Photobucket.com

syempre, hindi mawawla ang mga love ko sa buhay...
Image hosted by Photobucket.com

akala ko masaya na hindi pala...

looks can be very deceiving... fucker talaga siya...

akala ko pa naman ngayong tueday ako magagalit dahil sa lalabas na ang results ng test sa BUSSTAT... pero lunes pala magaganap yun... kaya P*t**g i** niya!!!

Tama ba naman na manakawan ako ng wallet sa may greenwich times kagabi? tinturuan ko kasi yung group ng roommate ko sa feasibility nila. may lumapit na bata na parang may disorder na nanghihingi ng pera so binigyan na namin... after a while nagtanong ulit siya kung may pagkain daw, sabi namin naubos na. ayaw pa rin niyang umalis. tapos nung umalis siya, hindi namin pinansin... pagkatapos siguro ng ilang minuto, lumapit yung guard at nagtanong na kung meron daw nawawala sa gamit namin, tapos bigla kong naalala ang wallet ko! Shit! kinuha nung walanghiyang batang yun! fucker siya...

pag na-ispatan ko ang batang yun, patay yun sa akin.. wag lang siyang magkakamali na magpakita ulit, kahit bata siya, kokotongan ko yun...

ok, so ang nawala sa akin ay:
1. ID ko sa lasalle
2. P350
3. ID ko sa SK
4. Membership Cards
5. $1 bill (hehehe)
6. family picture namin + picture ng tropa + 2 picture ni bea
7. atbp...


potah talaga, yung id ko, nawala na siya before at na-declare na lost id, so ngayon, magiging dalawa na!!! tang ina talaga... (pasensya na) isa na lang at may minor offense na ako na sana naman ay wag mangyari... take note, P500+ ang ID namin... shit talaga...

eto pa yung masaya don eh, yung bobong gwardiya, napansin na nya na may hawak na wallet yung bata, hindi pa niya sinita, at nagtanong lang sa amin kung may nawawala,. alam mo yun? sana pinigilan nya yung bata... shit rin siya... siguro kasabwat yung gago na yun....

ok lang sana mawala yung pera, pero yung ID, bawal yun...

at please, wala akong balak sabihin sa bahay to dahil katakot takot na mur ng aabutin ko... ganon naman don eh, sisihan... alam ko na tang ako kasi nilapag ko lang yung wallet ko sa may upuan at wala sa bag, pero malay ko ba di ba? shit talaga...

buti na lang, wala si ms. malaya ngayon, kaya masaya ako kahit papaano... lasallian ambassadors exam na kaya nagre2search ako dito ngayon para kunin ang mga pangalan sa admin at mga deans....

nagbabaka-sakali ako na makuha pa, dahil kilala ng mga tambay sa times ang bata... rugby boy daw... bitch...

alam niyo yun, sobrang shit talaga... gastos na sa id, tapos pahirap pa... nawalan na ako ng calculator for the 2nd time, ngayon, wallet naman plus id ko... malas...

o cge dito na lang muna...


Monday, October 11, 2004

Praning na weekend...

Hehehe... astig...

Nakaka-abnoy yung nangyari ng friday... na-freak out ako... naramdaman nyo rin ba ang lindol noong 10:36 pm? (talagang tinandaan ko pa)... kasi ako, kasama ko mga pinsan ko sa bahay... kalaro ko yung aso ko ng biglang nahilo ako... potah, lumilindol na pala! tumalon palabas ang mga pinsan ko, ang aso ko tumahol at ang mga lovebirds namin, nagwala... tayo ako kagad tapos kapit sa may pintuan, tapos hindi pa rin tumitigil... akala ko end of the world na... shocked talaga ako... mas kinabahan pa si nanay kasi akala nya, hina-high blood na siya, pala lumilindol... syempre, talk of the town sya... nakakapraning talaga...

Sabado? Pumunta ako sa school kasi Lasalliam Ambassadors Orientation... pangarap ko talaga maging LAmb... na-bilib kasi ako sa trabaho nila lalung-lalo na nung LPEP... kaya ngayon, sana makapasa na ako... wish me luck!

Linggo? Wala, boring, ginawa ko yung F/S ng roommate ko at natapos ang assignment sa Managerial Accounting... Tapos nagmamadali na nagbihis kasi debut ni Ellie sa Fishing Place sa Padre Faura eh 630pm ang usapan sa jollibee zapote... buti na lang dumating ako wala pa sina chona... hehehe..
Pagdating don, ayon, sige, kain... hehehe... parang debut ni arlene ang mga pagkain... bagsak lang ng bagsak sa harapan namin nina chona, nikka, jape, at lei... hindi na namin tinapos ang programme kasi late na... (late ba yung 10pm?) so umuwi kami, tinext ko na lang si ellie na pahingi nung give away niya... hehehe... hindi kami eat-and-run ha... medyo lang... hehehe....

ok, pasaway tong monday... sana matapos ko kaagad ang assignment ko sa FINMA1A... Wag na kayong magtataka kung ang susunod na post ko dito, puro mura kasi potah yung araw bukas... especially BUSSTAT... hehehe....

Dito na lang muna ulit...

Pasingit...

Parang eto ang kanta ko ngayon...
"I'm fallin' for her... Finally my heart give in
And I'm fallin for her... I finally know how it feels
So this is love..."

Nga ba? Jologs! Ang Corny ko! Hindi ko pa talaga ma-explain to... Bahala na... Kung siya na, siya na... at sana siya nga... hehehe...



Friday, October 08, 2004

I Hate This Week...

Nakakainis talaga itong week na ito... Sobrang hassle... Ganito ba talaga ang college?

MONDAY
-> Boring day... May hangover pa ako sa mga pangyayari nung weekend... Hindi ko pa rin nakakalimutan ang masayang victory party nung friday... CRITHIN? Boring... Puro lessons na naman... Nakakainis yung ibang classmate ko, ang iingay... COMCALC? Lesson din. Masaya dahil wlang class sa Wednesday. BUSORGA? wala ring kwenta, nagdaldalan lang kami ni Jape...

TUESDAY
-> Quiz sa Financial Management. Praning na praning ako dito... buti na lang natapos ko kaagad, I mean natapos ko on-time... sana mataas ako...

WEDNESDAY
-> Ok, so late ako nagising...may quiz kami sa CRITHIN... Ang galing, nakarating ako sa lasalle ng 7:35am eh ang start ng class ay 7:00am. Buti na lang, pinagquiz niya ako, at natapos on time... 21/30 nga pala ang score ko... not bad...
->Oo nga pala, field trip day nga rin pala ito. Nung after ng CRITHIN, kasama ko sina Lorelee, Erwin, JC (blockmates) pumuntang Securities and Exchange Commission. Kinuha namin ang F/S ng Jollibee for 2003. Hahaha... Ang saya talaga. We realized na talagang may corruption sa gobyerno. Tama ba naman na bigyan daw namin yung isang staff ng P100 to print the F/S instead of paying P175 sa cashier... Tsl.tsk.tsk. Here is what we learned during that trip:
1. Tumawag kaagad sa SEC for Info.
2. Hindi totoo na P100 per page ang print doon.
3. Ang SEC nasa Greenhills, so dapat sa Ortigas Station bababa, hindi sa Shaw Boulevard.
4. Walang underground tawiran sa may EDSA shrine, simbahan pala yun.
5. Pumunta sa SEC before 12pm para hindi abutan ng cut-off at mahingian ng lagay.
Laugh trip pa sa MRT, pano may naimbento kami ni Lei na produkto, at iyon ang TABAS... Astig to... Wait na lang sa release ng product namin...
Pagbalik namin sa school, saktong u-break so nanood ako ng Fahrenheit 9/11.

THURSDAY
-> BAD TRIP NA NAMAN! Yung test ko sa accounting, hindi ko natapos. Hinulaan ko lang yung last 5 items without looking sa problems and choices. I got 4/5 sa panghuhulang yon. 95 na sana grade kaya lang naging 86 kse walang computation... pero not bad rin... Sa BUSSTAT naman, b*b* ako, kasi tama na yung sagot ko, pinalitan ko pa... sobrang sablay yung quiz na yun... sana pumasa na lang ako... babawi ako sa susunod... promise... Nakita ko pa magalit yung prof namin sa FINMA1A, at nadamay pa ang blockmate ko... So Sad...

FRIDAY
-> Boring...boring...boring... COMCALC lang talaga ang masaya... Hindi ako makakasama sa burol ng mommy ng ka-org ko kasi naka-red ako. Malay ko ba...

Ok so dito na lang muna... sana maganda na lang ang susunod na week.

2 weeks na lang midterms na... Potah... Orientation pa ng Lasallian Ambassadors tom... hay naku...

Monday, October 04, 2004

Victory Party @ DLSU: One hell of a party!

Eto na yata ang isa sa mga pinaka-astig na party na napuntahan ko! Ang lupet...

The day was fun.. ok yung mga nangyari... as usual CRITHIN was a boring class... and there was COMCALC na kung saan ay nag-quiz kami... confident naman ako don... (actually, i got 93% dapat, 98%) well, anyway, BUSORGA, 20 minutes lang kami nag-lesson kasi, cut-off na ng 4:00pm ang classes for the victory party...

ok, so 4:00pm na... nagkaroon muna ng parade of champions... syempre, nandon ang idol lady spikers, ang chess team who won their championship crown in their 6th year, and the lady paddlers... tapos eto na, ang mga green archers, mga sikat na sikat ngayon sa skul... wel, ang binati ko lang naman si jv casio kse siya talaga ang idol ko don...

may mass pa sila kaya kami, daldalan lang sa may tapat tambayan... tapos, 5:45 na, pumila na kami kse kainan na pag patak ng 6pm... Guess what kung ano ang hinanda ng alumni (all expenses paid by them) 5000+ pizza hut's hawaiian pizzas, 5000+ wendy's hamburgers, booth ng lipton ice tea, sunkist, and ice cream... may mga platter pa na ang mga lasallian ambassadors ang nag-ayos... ang lupit talaga... actually, nakain ko ay 2 pizzas at yung platter... busog na busog na ako...

ok so start na ng kasihayan... the program was great... pakilala ulit ng mga champions... tapos eto na, mga kantahan na... barbie's cradle was there... ang ganda talga ni barbie... tapos yung DLSU Pops Orchestra, ang gagaling nila lahat... Favorite ko pa don ang "I'd Rather Be Green than be Blue" na song... hahaha...

Tapos party na... ang saya dahil kasayawan ko yung crush ko... hehehe... tapos todo party yun hanggang 9:30pm... sobrang saya talaga ng friday na ito... remembrance talaga to para sa akin while studying in La Salle...

eto nga pala pic non oh... hanapin nyo ako...



*WEEKEND*
Saturday, uwi kami ni nanay sa Indang, Cavite birthday kasi ng tito ko... 3 am na ako natulog nung saturday tapos nagising din ako ng 7 am para mag-ayos. nakaalis na kami ni nanay mga 9:30 and we arrived at indang, 1130 am. ok, lunch lang ako don, tapos nakatulog ako. paggising ko nandon na ang epal kong kapatid at nanood na lang kami ng UAAP-NCAA All star Game na kung saan natalo ang UAAP (Lasalle, Ateneo, UE and Adamson) ng NCAA (UPHDS, Baste, San Beda, ?) Big deal na naman yun sa mga pinsan ko kaya inaasar na naman nila ako. sabi ko, wala akong pakialam, basta ang alam ko, champion kme ngayong season... hehehe.... i slept mga 800pm pa lang kasi sobrang antok ko... gising kami 7 am kse uuwi kami kagad...

Sunday, nakipaglibing ako ngayon... namatay kasi yung lola ko (kapatid ng lolo ko, father side) nakakalungkot dahil ang hilig pa mandin mag-kwento nitong lola kong ito... tapos natulog na lang din ako kagad nung bandang gabi na kasi inaantok na talaga ako...

so yun pa lang talaga...

i'f i were to live my whole life again
i still want to be a lasallista pa rin
bayaran man ako i would still say to you
i'd rather be green than be blue...


Friday, October 01, 2004

DLSU: Season 67 Champions!

DLSU GREEN ARCHERS! Saludo ako sa inyo!



hindi na ako mapakali sa araw na ito (Septermber 30)... masyado na akong excited for the game. sabi ko ayoko sa araneta kasi last na yung panonood ko sa araneta nung sunday, kaya sa lasalle na lang ako manonood. eto na, 400pm na...

ang higpit ng labanan... tira dito, tira doon... shoot dito, shoot doon... wala na yatang katapusan... lahat gusto manalo... nalamangan namin sila ng 10points, at punyeta, nahabol din kaagad... hehe, upo kami sa tapat tambayan... akala namin katapusan na... nadagdagan pa ng mag-2 points si mark isip...

bigla na lang may liwanag na dumating sa katauhan ni jvee casio... IDOL!!!! siya lang nman kasi ang nagpanalo sa lasalle dahil nag-3 points sya!!! talunan kami lahat sa lasalle! buhay na buhay kami! may mga tumitili, sumisigaw at meron din yatang umiiyak...

pero syempre, hindi pa tapos ang laban... buti na lang nag-miss yung tira ni denok miranda... at na-rebound ni macmac! ok 2 free throws... at na-shoot nya... ok, DLSU Green Archers! winners of the 67th season of the UAAP!!!

pero, malupit talaga ang FEU... nakaka-atake ng puso ang game nila! grabe talaga... one of the greatest games ang larong yun...

ok, so hindi jinx ang batch 104... kami rin naman ah, final four pa nga kami eh..

ok, so merong party ngayon sa lasalle... 5000 pizzas lang nman, 5000 wendy's hamburgers at 5000 hotdogs.... at mukhang oktoberfest pa sa skul... tang-ina!!! party na to!!

sobrang ang saya-saya talaga... lahat dito sa lasalle, naka-ngiti at bawat grupo na nakikita mo, UAAP lang ang pinag-uusapan... talagang, "the crown is back to where it belongs: De La Salle University..." haaay... ang sarap ng feeling...
nag-test pa kami sa COMCALC kanina at mukhang mataas naman ang makukuha ko don... ANG SAYA-SAYA TALAGA!!!!

FInals MVP: Mac-Mac Cardona (ok lang kahit hindi naging MVP of the Year)
Coach oh the Year: Franz Pumaren (astig coach! kaya lang last year nya na ito sa lasalle)

Next Destination: GENERAL CHAMPIONSHIP!!!!

L-A-S-A-L-L-E Lasalle RAH!

We are the CHAMPIONS my friends..
And we'll keep on fighting till the end
We are the CHAMPIONS
We are the CHAMPIONS
No time for LOSERS
Cause we are the CHAMPIONS of UAAP!!!!