hahaha... tapos na ang unang hell week!!!
isang linggo na lang... pahinga na ako...
13 days na lang birthday ko na...
hay sa wakas, tapos na ang isang linggo ng pahirap... last week na ng october at ang formal start ng midterms dito sa mahirap na de la salle university-manila...
astig yung test kanina sa FINMA1A, actually, i found it madali. solve ka lang ng solve. akla ko may financial statement analysis, wala na pala.. na correct ko na rin ang aking pagkakamali sa statement of cash flows, at na-correct ko na rin ang schedule of cash budget. may mali na lang siguro ako sa multiple choice at problem solving. wag na lang sana sobrang laki ng mali... hehehe...
ok, gaya nung pinost ko dati, alam niyo na siguro kung ano ang padating ko na pahirap... at kailangan ko na ulit mag-aral mamaya... hindi na ako makasama sa mga pinsan-tropa ko na puro mga sembreak ngayon. tama ba naman na sabihan na jologs ako dahil daw trimester ako? e ano magagawa ko? hehehe...
astig sa bahay, may bagong tv, at ang laki pa... parang nanonood ka sa sinehan. nakakaduling nga lang kaya dapat ayusin...
malapit na birthday na koy-koy... pamangkin-inaanak ko un... at siguradong mdami na namn tao sa bahay niyan... kailangan mag-aral pa...
do i sound like a nerd or geek? hindi naman siguro... kailangan ko lang talaga bumawi dahil 2nd chance ko na ito... at ayoko ng papangitin pa ang aking naitayo na pangalan...
astig nga pala yung groups simulation 2 sa lasallian ambassador.. tama ba naman na pagtripan ako. pero at least mukhang napabilib ko sila. hehehe... sana naman matanggap ako... group sim 1 na lang at interview...
o siya, siya, tama na muna ito... god bless na lang ulit sa akin ngayong last week ng october...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home