I Hate This Week...
Nakakainis talaga itong week na ito... Sobrang hassle... Ganito ba talaga ang college?
MONDAY
-> Boring day... May hangover pa ako sa mga pangyayari nung weekend... Hindi ko pa rin nakakalimutan ang masayang victory party nung friday... CRITHIN? Boring... Puro lessons na naman... Nakakainis yung ibang classmate ko, ang iingay... COMCALC? Lesson din. Masaya dahil wlang class sa Wednesday. BUSORGA? wala ring kwenta, nagdaldalan lang kami ni Jape...
TUESDAY
-> Quiz sa Financial Management. Praning na praning ako dito... buti na lang natapos ko kaagad, I mean natapos ko on-time... sana mataas ako...
WEDNESDAY
-> Ok, so late ako nagising...may quiz kami sa CRITHIN... Ang galing, nakarating ako sa lasalle ng 7:35am eh ang start ng class ay 7:00am. Buti na lang, pinagquiz niya ako, at natapos on time... 21/30 nga pala ang score ko... not bad...
->Oo nga pala, field trip day nga rin pala ito. Nung after ng CRITHIN, kasama ko sina Lorelee, Erwin, JC (blockmates) pumuntang Securities and Exchange Commission. Kinuha namin ang F/S ng Jollibee for 2003. Hahaha... Ang saya talaga. We realized na talagang may corruption sa gobyerno. Tama ba naman na bigyan daw namin yung isang staff ng P100 to print the F/S instead of paying P175 sa cashier... Tsl.tsk.tsk. Here is what we learned during that trip:
1. Tumawag kaagad sa SEC for Info.
2. Hindi totoo na P100 per page ang print doon.
3. Ang SEC nasa Greenhills, so dapat sa Ortigas Station bababa, hindi sa Shaw Boulevard.
4. Walang underground tawiran sa may EDSA shrine, simbahan pala yun.
5. Pumunta sa SEC before 12pm para hindi abutan ng cut-off at mahingian ng lagay.
Laugh trip pa sa MRT, pano may naimbento kami ni Lei na produkto, at iyon ang TABAS... Astig to... Wait na lang sa release ng product namin...
Pagbalik namin sa school, saktong u-break so nanood ako ng Fahrenheit 9/11.
THURSDAY
-> BAD TRIP NA NAMAN! Yung test ko sa accounting, hindi ko natapos. Hinulaan ko lang yung last 5 items without looking sa problems and choices. I got 4/5 sa panghuhulang yon. 95 na sana grade kaya lang naging 86 kse walang computation... pero not bad rin... Sa BUSSTAT naman, b*b* ako, kasi tama na yung sagot ko, pinalitan ko pa... sobrang sablay yung quiz na yun... sana pumasa na lang ako... babawi ako sa susunod... promise... Nakita ko pa magalit yung prof namin sa FINMA1A, at nadamay pa ang blockmate ko... So Sad...
FRIDAY
-> Boring...boring...boring... COMCALC lang talaga ang masaya... Hindi ako makakasama sa burol ng mommy ng ka-org ko kasi naka-red ako. Malay ko ba...
Ok so dito na lang muna... sana maganda na lang ang susunod na week.
2 weeks na lang midterms na... Potah... Orientation pa ng Lasallian Ambassadors tom... hay naku...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home