BACK TO SCHOOL!!! 2nd term na!
Well, eto na naman ako sa computer lab ng school, at nag-iinternet... dahil ang susunod kong class ay 1140 pa at ang 1st class ko ay 7am... ang nakakatuwa pa, wala ang professor... nakakainis considering las pinas pa ako galing tapos wala yung prof? grrrr.... well, anyway, miserable ang bakasyon ko (bakasyon ba yun? 2 weeks lang) sobra...Hindi ko pa kasi kaya sabihin dito sa net kaya nga im very discreet about it. pero alam na ng mga close friends ko... well, it's been so very hard to accept na kailangan ko na umalis sa you-know-what ko and move on... hindi ko pa sya maikwento kasi kahihiyan ko yun... buti na lang friends ko napaka-supportive. sa pamilya kasi, masakit sa kanila kse sila ang nagpapakahirap para makapag-aral ako sa lasalle pero ganoon ang nangyari. i'm very thankful na pinayagan pa rin nila ako sa lasalle mag-aral... animo lasalle!
so, wala akong ginawa sa bahay noong bakasyon. nandon lang ako, either tumutulong kay inay sa mga household chores o di kaya ay magpuyat sa panonood ng tv at paglalaro ng computer. kasabay na dito ang hirap na nadarama ko sa nangyari... hindi lang kasi talaga ako makapaniwala... bad trip talaga...
masaya naman kagabi (sept. 12) birthday kasi ni jonnel, classmate ko sa saint anthony. semi-reunion siya ng classmates kasi nandon ang tropang hardcore, likod at kaming tatlo nina daisy at aileen. matagal ko ring hindi nakita yung mga yon. cguro mga 2 months din yata. buti na lang hindi pa rin nagbabago. i'll try to upload some pictures kse ibibigay pa sakin ni daisy yung mga pictures... basta promise ang saya...nandon nga pala yung bes ko, kaya lang parang wala lang... nandon siya, nandon ako ganoon lang... ang saya no?
excited ako para sa ngayong term... unlimited cuts ako ngayon... (DL kse.... pero hindi na-appreciate sa bahay kasi nonsense daw... tama ba naman yun? nagpakahirap ka for the whole 1st term then nonsense? bullshit...) kaya masaya... kailangan na rin panindigan ang bago kong buhay ngayon sa lasalle... basta arnel kayanin mo at patunayan mo na mali ang hindi nila pag pili sayo...
OTHER MATTERS:
*i feel na mas nagiging close na kami ni other girl... hehehe... pagpatuloy ko lang cguro ang ginagawa ko...
**kaklase ko nga pala si bossing cals sa accom2b, cguro ang gulo don...
***ano kaya masaya ngayong 2nd term? tahimik pa naman ngayon dahil walang eleksyon ngayon....
****LSAL season na... gagalingan ko dito para mag-champion kami! dito ko ibubuhos lahat ng sama ng loob ko!***** Ang lupet... ateneo .vs. lasalle sa final four... may laban sila tom. for 2nd place meaning twice-to-beat... sana manalo lasalle at talunin ang mga atenista para sa finals... hopefully, kita-kits na lang feu sa finals! animo lasalle ulit!haaaayyyyy... eto na lang muna ulit ang masasabi ko... gud luck sa akin ngayong 2nd term... aim ulit for DL... kakayanin ko na ito... promise...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home