What a weekend.. So sad.. :-(
(TABULAS - August 23)
Remember how happy I was during the weekdays? Well, nagtapos yon nung Friday. And I know, gusto niyo malaman kung ano ang nangyari noong Friday. Well, she said no. Ganito nangyari..
I got home 8:00pm kse tumambay pa ako sa lasalle kasi last day na ng 1st term. I watched TV first before I called her up. Mga 930 ko na siya natawagan. It was a short conversation. She told me na wala pa siya talagang time and she said sorry.
Well, I feel everything collapsed at my sight. Parang nawala lahat. Ganoon pala ang pakiramdam. Halos mabangag ako ng gabing iyon. Nagpaalam na lang ako kagad kse nga matutulog na siya. I dont feel na-busted because yun tung talagang dumped ka. Pero eto iba. Pinag-isipan niya talaga before she came up with that decision.
Hanggang ngayon praning pa rin ako. Umuwi na nga ako sa probinsya para lang mawala sa isip ko pero wala eh, ang lakas ng tama. Nag-text pa sa akin yung best friend niya na alam niya na daw ang nangyayari and both of us ay nahihirapan. Inaway ko pa nga siya dahil sobrang shattered talaga ako.
2 years that passed by, full of hopes and dreams and yet, this is the ending of this fairy tale love story. God knows how much I really love her. 2 years ba naman akong naghintay para lang dito di ba.. Pero talagang ganyan ang buhay, kailangan mo lang sakyan at mag-move on. Pero alam ko na hindi basta-basta yun kasi iba yung kay bea eh, ang lakas ng dating. It will take time to heal it.
Naaalala ko tuloy tung kantang Heaven Knows:
My friends keep telling me, that if you really love her you got to set her free, but if she returns in time, I know shes mine.. Maybe my love will come back someday, only heaven knows, maybe our hearts will find a way, only heaven knows, and all I can do is hope and pray, cause heaven knows…
Oo nga naman, sapul na sapul ako sa kantang ito. I hate all the love songs ngayon sa radyo. Pinapasama lang nito ang loob ko.. huhuhu.. Sinulatan ko siya, my last letter for her.. As my last line says: Bea, Ingat always. Wag mong pababayaan ang sarili mo. and for the last time, let me say to you, I LOVE YOU.. and goodbye.. eto na siguro yung pinakamasakit kong nasabi.. ouch talaga..
Well, as everybody says, time to move on.. Kakayanin ko ito.. Masakit man talaga isipin pero kailangan tanggapin..
Bea, I will miss you so much talaga.. goodbye and I love you again..
OTHER MATTERS:
Hay naku... ang hirap ng finals sa ECONTWO... May nasagot naman ako na tama... Pero yung iba hula ko na... at iba kopya... hahahaha.... shet, sobra talaga, sana kahit 2.0 lang ok na para naman maging D.L na ako.... please ms. garde (prof ko) adjust ka ha... pero saan ka sa RELSTWO, minemorize ko pa lahat ng kailangan i-memorize pero hanap scriptures lang pala at sabihin ko kung ano ang sacraments... well, sana yung OBLICON sa wednesday madali lang...
Ateneo vs Lasalle kahapon.. astig!!! panalo lasalle, tinambakan nila ng 30 halftime tapos muntik na mahabol pero nag-hold on sila... buti na lang! inspired tuloy ang mga lasallians na mag-exam... hehehe... may +10 kami sa OBLICON yehey..
Yun kayang girl na isa yung right one? Para kasing iba na ang nararamdaman ko sa kanya.. pero check ko pa ksi hindi pa ako nakaka-ayos ng sarili eh..
Hindi ko pa rin buburahin yung picture ni bea dito sa tabulas.. pero baka sa iba oo..
Malapit na qualifying exams.. wish me luck, sana makapasa..
Sa lahat ng nakiramay thank you ha.. lalo na sa mga friends ko sa TAPAT.. na nakinig sa akin at nagbigay ng advice.. Kaya ko to..
Music of the Moment: heaven knows by rick price
Currently feeling masaya na malungkot.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home