Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Friday, September 17, 2004

Nawala na rin yung takot ko... (,")

(TABULAS - August 20)

wednesday night... i'm thinking again of bea... well, una kinakabahan ako na tawagan siya... but i thought na hindi na dapat pinapatagal to at kasi may nang-aasar kasi sa akin ng torpe... so i called her up... and then siya yung sumagot... gulat ako... and then we talked. kinumusta ko yung exams niya, and she said the hardest part was physics. then shift sa what can she say about my gift and she said it was nice... kwento niya daw sa mga friends nya na ang regalo ko daw ay angel kse demon daw sya... hehehe... joke lang yun...and then eto na, i shifted the topic to what i should've asked her the day i gave to her my gift... ganito yun... i told her that it's been 2 years i am waiting for her... i said that it's ok kse all out support naman ako sa studies niya... but if she can assure to me na yung paghihintay ko ay may patutunguhan... talgang hihintayin ko siya kahit kailan... and then she became silent... nagulat daw siya sa tinanong ko... i asked her to answer my question but she can't answer yet... hindi pa daw niya alam ang sasabihin niya kse nagulat nga daw siya... so i said na i'll talk to her on friday (actually, ngayon yun) to know her answer. I said that whatever she will be saying, i'll respect her decision. (pero, kung hindi masakit sa akin yun kse 2 years di ba akong naghintay ) so eto na... mamaya na yung gabi... wish me the best!

OTHER MATTERS...
1. bad trip ako sa ibang tao... yun bang tinetext mo, ayaw mag-reply... kung kailan mo kailangan ng support gaya nung tinyp ko, hindi man lang nag-textback... nakaka-dissapoint... akala ko pa naman siya ang makakatulong at makaka-fill up ng role ng bestfriend ko na hindi na rin ako kinakausap... tapos wala lang pala...
2. malapit na finals... oblicon at econtwo ang dapat pag-aralan... nakakatuwa ang oblicon kse from 85, bumaba ng 81 ang kailangan ko sa finals... tapos magbibigay pa sya ng +10 pag nanalo ang lasalle sa ateneo sa sunday... kaya lasalle dapat manalo kayo!!!
3. one thing bothers in my mind... meron akong girl na naiisip other than bea... nakakakaba... hindi ko alam kung may ipinapahiwatig ba ito... ewan... siguro tingnan na lang natin after sa sagot ni bea my luvs...

o siya, marami na itong nasa isip ko... buti pa itong tabulas nasasabihan ko na ng nasa loob ko... nailalabas ko ang sama ng loob ko. i am used to na dito, meron ako sa bahay na bote na naglalaman lahat ng sama ng loob ko... pero ngayon, hitech na...

wish me luck sa lahat especially sa qualifying exams ko...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home