DLSU: Season 67 Champions!
DLSU GREEN ARCHERS! Saludo ako sa inyo!
hindi na ako mapakali sa araw na ito (Septermber 30)... masyado na akong excited for the game. sabi ko ayoko sa araneta kasi last na yung panonood ko sa araneta nung sunday, kaya sa lasalle na lang ako manonood. eto na, 400pm na...
ang higpit ng labanan... tira dito, tira doon... shoot dito, shoot doon... wala na yatang katapusan... lahat gusto manalo... nalamangan namin sila ng 10points, at punyeta, nahabol din kaagad... hehe, upo kami sa tapat tambayan... akala namin katapusan na... nadagdagan pa ng mag-2 points si mark isip...
bigla na lang may liwanag na dumating sa katauhan ni jvee casio... IDOL!!!! siya lang nman kasi ang nagpanalo sa lasalle dahil nag-3 points sya!!! talunan kami lahat sa lasalle! buhay na buhay kami! may mga tumitili, sumisigaw at meron din yatang umiiyak...
pero syempre, hindi pa tapos ang laban... buti na lang nag-miss yung tira ni denok miranda... at na-rebound ni macmac! ok 2 free throws... at na-shoot nya... ok, DLSU Green Archers! winners of the 67th season of the UAAP!!!
pero, malupit talaga ang FEU... nakaka-atake ng puso ang game nila! grabe talaga... one of the greatest games ang larong yun...
ok, so hindi jinx ang batch 104... kami rin naman ah, final four pa nga kami eh..
ok, so merong party ngayon sa lasalle... 5000 pizzas lang nman, 5000 wendy's hamburgers at 5000 hotdogs.... at mukhang oktoberfest pa sa skul... tang-ina!!! party na to!!
sobrang ang saya-saya talaga... lahat dito sa lasalle, naka-ngiti at bawat grupo na nakikita mo, UAAP lang ang pinag-uusapan... talagang, "the crown is back to where it belongs: De La Salle University..." haaay... ang sarap ng feeling...
nag-test pa kami sa COMCALC kanina at mukhang mataas naman ang makukuha ko don... ANG SAYA-SAYA TALAGA!!!!
FInals MVP: Mac-Mac Cardona (ok lang kahit hindi naging MVP of the Year)
Coach oh the Year: Franz Pumaren (astig coach! kaya lang last year nya na ito sa lasalle)
Next Destination: GENERAL CHAMPIONSHIP!!!!
L-A-S-A-L-L-E Lasalle RAH!
We are the CHAMPIONS my friends..
And we'll keep on fighting till the end
We are the CHAMPIONS
We are the CHAMPIONS
No time for LOSERS
Cause we are the CHAMPIONS of UAAP!!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home