Madugong tuesday...
Hay naku... Tuesday na naman yesterday and it means hassle na naman dahil 4 subjects ko ngayon... well, a nice start ng ACCOM2B... dahil 1st quiz namin... sabi na nga ba dapat pinag-aralan ko yung chapter 1 dahil lalabas yun... marami naman ako nasagutan... the funny thing sa quiz is that sinabi ng prof namin, "P40,000 yung net income. If you don't get 40000, it means mali yung income statement nyo." ok, tama ba naman sabihin ang sagot... well, nakakatawa, at least tinuruan nya kami... and swerte talaga ako sa pagpili ng class na yon...
Ok, 940am na... time for ms. malaya's BUSSTAT... ayoko talaga dito... pero ok lang naman yung turo ni miss... naiintindihan ko yung lessons... at mukha syang madali so far... pero parang ayoko lang talaga... i remember one time, tumunog ang cellphone ko sa class niya, eh yun pa naman yung number 1 rule nya na turn off or turn it into silent mode your cellphones... blah...blah...blah... eh, tumunog, at ang masaya, info message lang... so yun, she had to confiscate it. honest naman ako dahil inamin ko na sa kin talaga yung fone na tumunog. ibinalik nya na sa akin nung tapos na ang class. kailangan ko daw magbigay ng apology letter. ang arte naman ng prof mo... ano isusulat mo? miss, i think you're gay... hahaha... sabi ni bossing beni sa akin... sabi ko, hay naku, ewan, bahala na lang...
at eto na naman ang aking dakilang COMP2AC... nag test kami kahapon... at punyeta ang test niya dahil mahirap siya. siguro dahil hindi lang talaga ako nakapag-aral kasi sobrang dami ng ginagawa ko... of course, kopya-kopya... hehehe... hanggang sa giniv-up ko na lang yung iba para tapos na. babawiin ko na lang sa susunod na quiz yon, promise...
at ang finma1a... astig talaga si miss go.. free day namin on thursday, siguro dahil sa championship battle ng FEU at Lasalle... hindi naman ako manonood sa araneta, sa big screen na lang ako sa lasalle manonood, tutal ang crowd din namna ng lasalle ang kasama ko... kaya lang, sobrang dami naman ng assignments! hay naku... anyway, before the period ended, binigay niya ang quiz namin, at dito ako sobrang natuwa dahil 35/40 ako... well, mas mataas sa expected ko dahil akala ko nasa 28-30 lang ang grade ko... ang galing talaga... sa susunod tataasan ko pa...
ok excited na ako sa game, maganda ang panahon throughout the day... nag-computer muna kami ni jape para magresearch sa report namin. mga 530, nagtxt si art, umuulan daw. pagsilip ko sa bintana, ok fine, umuulan nga... punyetang panahon, talagang ayaw kami paglaruin ng volleyball sa LSAL... shit talaga... pero hindi nman ako naging bad trip kasi masaya naman ako nung hapon nayon...
pag-uwi ko naman, malungkot ang atmosphere sa compound kasi namatay na yung lola ko, which is kapatid ng lolo ko sa father side. ayun, magkakasama na naman kaming magpipinsan. hindi ako makapaniwala... talagang life is unpredictable...
at ang masaya naman ngayong wednesday morning? paggising ko nung nasa bus ako, lagpas na ng lasalle, muntik na akong mapunta sa quirino avenue... ang saya no? naglakad ako pabalik, at least may exercise ako... o eto muna... masyado ng mahaba ang entry ko...
alam mo, namimiss ko na si other girl...
gusto ko na ulit siya kausapin eh...
sana magkita ulit kami...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home