GENERAL ELECTIONS 2006: CONCLUSION
hmm... eto na siguro yung general elections na sobrang inenjoy ko... siguro kasi this will be my last general elections in lasalle.. kasi hopefully i will be graduating in october 2006. i really devoted most of my time here, and i'm proud to say na vice governor ako ngayon for the college of business and economics. sobrang ngayon ko na-appreciate ang pagiging tapat ko.. dahil alam ko may responsibility ako na dapat kong gawin, at alam ko na ang ipinaglalaban ng tapat ay para sa estudyante talaga. nakatulong din sa akin ngayong term na to ang schedule ko, 230-440 lang pag MWF (di ako pumasok sa finares) at 6-910pm lang pag TH (buong araw campaign, whooohoo!)
so yun, start ng monday, campaign na kagad. kailangan todo kayod kasi dehado ngayon, derecho batch ang 103 at 105 at straight ang 104. mejo delikado, kaya dapat ayusin talaga. mejo naging pasaway ako throughout the campaign kasi late ako. hindi ko kasi talaga kaya gumising ng maaga. ayan tuloy, napapagalitan ako ni john bello, our college assembly president.
so ayan sila nung nag cacampaign, di pwede na walang picture kahit papaano.
so here comes my favorite part sa isang general elections... ang flag sweep at miting de avance. ako ang naging representative ng cbe for flag sweep meaning ako ang naghawak ng flag at nanguna tumakbo sa buong campus. hahaha. hindi ko talaga makakalimutan to.
ayan, ng nakaakyat na kami sa yuchengco. nagmadali kagad kami kasi baka maagawan kami ng kabila. apparently, may isang baklang nanggugulo sa amin nung time na yan. bwiset sya.
eto yung picture nung nag-aayos na for miting de avance. grr. muntik na din kami maagawan sa pwestong yan na kami lang talaga lagi ang nag-o-occupy.
this was me when the college of education CAP jielene sato was presenting their candidates. ako kasi nsa gitna, nagwawagayway ng tapat flag... angas eh no?
ang nakakainis lang sa format ngyon, nauna lahat ang santugon magsalita, tapos kami. mas maganda kasi yung alternate.. para nakikita ng lahat kung sino ang karapat-dapat. di ko lang alam kung bakit biglang nabago. bwiset. may isang nakakainis pala silang ginawa dito. nagsasalita si simoun ferrer, candidate namin for president, ng biglang tumayo lahat ng bading sa santugon at tumayo sa may isang tabi. nakaka insulto kasi ang bastos ng ginawa nila, eh nung sila nagsasalita nakikinig lang kami sa kanila. haaay. wala na akong sasabihin pang iba.
RTR, PTPC, Q&A at kung ano-ano pa. yan ang ginawa namin sa 8 araw na campaign. sobrang nakakapagod. yung tipong sumakit na ang buong hita ko at paa, na hindi na ako makalakad pa, pero sige tuloy pa rin. para sa mga lasalyano naman to eh. hehehe.
pagdating naman ng election proper, di pa natapos ang trabaho namin, dahil bantay boto naman ang ginawa namin. nakapag file ako ng electioneering case, pero salamat sa isang tao sa comelec, na dismiss siya. grrr. biased. anyway, yun nga, for 3 days bantay lang kami ng boto, at nga pala, hatak din ng boto para sa mga tinatamad bumoto. hehehe.
come last day of voting, mawawala ba ang "camwhoring." =)
kung nasan ang camera, ayun, habol lang ng habol hmm... natutunan ko to sa Lasallian Ambassadors eh. hahaha. nadala ko ba daw sa tapat yung ganon. ako pa, syempre di ako papatalo sa ganyan. hahaha.
ayan yung isa pang picture with cbe people.. hehehe
syempre, culminating activity namin ang victory party after bilangan. ganon kasi sa tapat, manalo/matalo, sama-sama lahat sa announcement, at tuloy-tuloy kasiyahan na rin. in fairness, pina-default namin lahat ng games namin sa araw na yun para lang dito. although ako, nag trabaho ako pa ako sa LAmb para sa mga campus tour. tapos pahinga then punta na kagad sa bahay ni army padilla.
that is our EB before the announcement. syempre kasiyahan muna. they had their last speech, kasama na ang lokohan, tapos ang GE awards 2006 hosted by mito and janice. laugh trip talaga.
and then, ayan na. unti-unti na dumadating ang mga nagbilang sa comelec... tumahimik na ang lahat.
i am proud to announce that nanalo si JOHN BELLOSILLO as our CAP for CBE. yeah! tapos sa BnE 2006, unfortunately, only NANCY CHUA won, and sa BnE 2007, sina MADEL BALANE, MEG CUASAY AND JORMAE CHUA ang mga nanalo. None of our BnE 2008 candidates won.
But still, winners pa rin sila for us. It's not their loss. It's the loss of their batch.
Nanalo din sina Jielene Sato, CAP for CED and Lesley Pascual, CAP for COS.
And the moment of truth...
MIKA MONTINOLA: "Ben Cabigas once said that we swept the executive board... let me say it again.. for we swept again the executive board 2006!"
a shot at the exective board...
And then there was a rush of excitement. nagtatalunan kami lahat, some nag iiyakan. sobrang ang saya. BACK TO BACK SWEEP MAN! woohoo... this just shows how lasallians really want a tapat leadership... astig...
So yun nga, VICTORY PARTY next.
these are the core people of tapat... enjoying the whole night... wooohoo!
these are the TAPAT 103 PEOPLE na patuloy sa pagiging tapat... naks!
sobrang laugh trip ng mga tao nung victory party... ayoko na lang magsabi ng mga kalokohang naganap. basta sobrang masaya talaga... kahit ako lasing eh. hahaha...
eto talaga siguro yung sobrang mamimiss ko sa lasalle... one memory that i will cherish for a lifetime...
until next post.
ciao.
2 Comments:
Hahaha! CONGRATS nga sa atin! oo nga mukha ngang lasing ka nang Tapat party... Eh pano ba naman tumawag ang tatay mo kinabukasan ng party sa bahay at hinahanap ka dito! wahehehehe! Ingat lagi kapatid at Kamusta nalang sa Tapat! Miss ko na kayo! Cheers!
10:32 AM
hahaha... loko-loko ka juan miguel. oo nga eh, nagulat ako na nagtatawag na pala parents ko non.. pasaway kasi ako.. hahaha! oh wells, congrats talaga sa alyansang tapat sa lasallista! woohooo!
1:57 AM
Post a Comment
<< Home