Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Saturday, February 25, 2006

ang mga naipong kwento sa tagal ng hindi pagpopost.

January 26, 2006 >>> Nag-resign si Mr. Austria bilang professor namin sa FINACMA. Dahil ito don sa issue na pagsingil namin ng P650 sa isang maliit na handout. Well, personally mali talaga yun, dahil masyadong over-priced talaga nung handout na yun. Sobrang naging big issue siya sa Financial Management Department na humantong nga sa ganito. We will be having our reimbursements and si Mr. Lawrence Co na ang papalit bilang professor.

La Salle Athletic League >>> Kumusta naman ang team namin dito… Mejo 7-0 na ang standing namin! Wahahah! Angas… 60th ENG na lang tlga ang kalaban naming sa championship at tatalunin namin sila! Wahhaha

Job Expo (January 30-February 3) >>> halos araw-araw nandito ako sa loob ng job expo para mag pasa ng mga resume sa mga companies at mga banks. Hahaha… so far, nag bank hopping na rin kami sa ayala sa makati para sa mga foreign banks. Sana talaga matanggap ako sa mga foreign banks, para OJT pa lang, may sweldo na… ahhahaha…

Jordan’s Debut sa World Renaissance Hotel (February 4, 2006) >>> so ala-reunion na naman to ng Lasallian Ambassadors 2k5 dahil lahat ng lambs ay nandito at nakikiparty sa 18th birthday ni jojojordi… hehehe… hmm… late ako nakipag meet kay boni (na kung saan sobrang furious nya, sori boni! Hahaha), tapos sabay kay anna papunta. And the rest is history.

Here are some of the pictures….

Image hosting by Photobucket
(clockwise from top) arwin, jayr, boni, mark tan, aaron at ako

Image hosting by Photobucket
Lamb camwhore picture 1

Image hosting by Photobucket
Lamb camwhore picture 2

Image hosting by Photobucket
Hataw besbes hataw! Hehehe

Image hosting by Photobucket
Sa totoong tagumpay! Hahaha… isang shot para kay Jordan!

After jordan’s party, boni and I went to ticky’s place sa ayala alabang village. Ayun, don ipinagpatuloy ang inuman. I won’t go further sa details kasi wat happened there stayed there only. Basta ang masasabi ko lang, exciting ang mga nangyari don. Nakauwi na ako 9am ng February 5… hahaha….

February 8, 2006 >>> sobrang ang sama ng loob ko sa nangyari na to. Haay. Pero gaya nga ng sabi ko, challenges lang to na bigay ni god, sakyan mo lang. He has better plans para sa akin. Gusto nya lang siguro ako may matutunan na important at makakapagpabago sa buhay ko. Bawi na lang sa susunod.

Zambales Trip para sa RELSFOR (February 11-12, 2006) >>> wahaha… astig tong relsfor trip naming to. February 10 pa lang, di na ako umuwi ng bahay dahil natulog na kami sa bahay ni CJ dahil maaga ang alis kinabukasan. Nag movie trip pa ako sa haus nila para hintayin si Jenny, habang si Vange ay ginagawa ang essay nya sa conadev. So come Saturday, we got up 3am para mag ayos, at umalis ng 4am. Ayon, sobrang road trip talaga kami. Ang nakakatawa ditto ako ang prinsipe nila dahil ako lang ang hindi marunong mag drive at ako lang ang nagiisang lalaki! Hahaha… nakadating na kami sa place (partida hindi kami nawala) 8am na, tamang-tama para kain. Sarap!

So ang ginawa naming sa first day, pinakita ang mga baboy, manok atbp na mga organic, meaning to say ang kinakain nila ay mga halaman din at hindi yung mga processed na pakain. Ang weird lang kasi ako sanay na ako sa mga ganito dahil sa indang, maraming ganito. Well mga anak mayaman kasi tong mga kaklase ko kaya ganon talaga.. hehehe…

Image hosting by Photobucket
Gaya nga ng sabi ko.. this is what we did during first day… balat ng suman yang pinapakain ko jan..

Image hosting by Photobucket
Its me and jenny with the biik…

Image hosting by Photobucket
Oooh.. sarap ng bulate… wahhaa…

Image hosting by Photobucket
Picture camwhoring sa loob ng kotse…

So yun, natapos ang araw… tulog kami sa resort malapit sa farm. Naligo ako kagad kasi feeling ko ang dumi dumi ng katawan ko. Puro alikabok kasi eh. Maaga natulog sina cj at vange kaya kami ni jenny nagkwentuhan. Punyeta sabi na nga ba may multo don kasi iba rin ang pakiramdam ko. Si jenny nag freak out din… haha.. shet yan, natulog ako ng maaga, 930pm pa lang! akalain mo yun. Gising ng 7am para mag prepare na for the 2nd day…

Image hosting by Photobucket
Ayan, ang ginawa namin. Magtanim. Pero masaya.

Image hosting by Photobucket
Sugod mga kapatid! Haha. Ang corny. Pero cool tong pic na to.

Image hosting by Photobucket
Syempre posing muna… ako at ang mga groupmates ko…

Image hosting by Photobucket
The beautiful scenery at zambales…

Image hosting by Photobucket
Sorry hindi ko na napigilan! Bwahahaha! Joke lang!

So yan nga ginawa namin, maaga kami sumibat on the 2nd day para mag shopping sa duty free subic. Ayun, may nabili ako na tshirt na maganda costing $9.49, at ang palitan don ay P51.00 kaya mura… nakauwi na kami 10pm. Haaaaay.. nakakapagod talga, pero masaya. Kung gusto nyo makita yung ibang pics, visit my multiply account.

Lastly, malapit na ang General Elections. Sobrang nakakatakot lalo na with the recent events that happened sa tapat… pero kakayanin naming to. “it’s in the dark that the light shines the brightest…” we will win. Kung kya nga 72-0… basta tapat. Possible. Naks.

O siya, dito na lang muna. Siguro next update ko sa general elections na mismo… whahaa… god bless sa amin. God bless tapat.

Ciao.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home