Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Wednesday, October 27, 2004

Recent events sa buhay ko...

hehehe... 2 days down... malapit na matapos ang potahng october...

ok, so tapos na yung monday at tuesday at im happy na nasagutan ko ng maayos ang mga exams... ang sakit kaya ng ulo ko, feeling ko magkakasakit ako...

Nung monday, langya na CRITHIN midterms yan, nalito ako sa modus tollens at modus ponens, kaya ayun, mababa ang result ng test ko... pero at least pasado... mamaya pa ang COMCALC, pero ok siya, hindi ko lang na-graph ang equilateral hyperbola kasi hindi ko alam at isa pa, tapos na ang time...

Nung tuesday, masaya ako sa ACCOM2B dahil nasagutan ko siya lahat at 98/100 pa ako sa exam... ang BUSSTAT naman, ok lang dahil natapos ko siya ng confident ako pero siguro may mali din dahil dun sa variance, na hindi ko lam, dahil nakalimutan ko sa inaral ko..

so midterms na lang sa thursday at saturday...kaya ko to! go for 4.0! (FYI: 4.0 ang highest ha!)

happy birthday nga pala kay mico isaac! pamangkin-inaanak ko siya, 1 year old na siya at sa saturday ang tsibog. hehehe...

malapit na rin birthday ko... yehey...

*OTHER MATTERS*
1. Bad trip talaga ako sa mga taong know-it-all. pasaway sila. pwede, wag nyo ako turuan unless hindi ako humuhingi ng tulong sa inyo dahil minsan bumababa ang pride ko pag bigla kayong umeentra sa buhay ko... please lang po, tantanan niyo ako, ayoko ng mga mayayabang..
2. Bad Trip ang COMP2AC na subject. (subject hindi professor) hindi ko makita ang purpose ng pag-aaral ng normalization, ER diagram, Database, etc. eh ang gagawin namin sa final project eh visual foxpro! at ang baba pa ng grades ko! shit talaga...
3. in fairness, natutuwa ako sa mga accounting blocks ng batch namin, dahil kung hindi dahil sa modular accounting, hindi magiging ganoon ka-bonded ang mga blocks... close kasi lahat ngayon...
4. hay naku, santugon week ngayon... eh ano ngayon... dapat tapat... tapat dapat...

o sige, dito na muna!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home