Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Tuesday, December 28, 2004

Merry Christmas and Happy New Year!

'tis the season to be merry again...

haay... its christmas time again... we went home to our province in indang, cavite to celebrate the christmas there... we always have a family reunion ng mga pamilya na nagmula sa 4 na magkakapatid ng feraer... astig, ang ganda di ba ng surname... feraer... so yun nga...

ginanap yung reunion sa farm ni gov. ayong maliksi ng cavite. ok yung place. kainan lang naman... tapos presentation ng mga bata... parlor games... exchange gift... basically, yun yung ginawa... dati, sobrang nag-eenjoy ako sa ganito kasi bata pa ako nun eh... ako pa yung nag-sasayaw at hinahagisan ng pera... pero ngayon hindi na... konti nga lang mapamaskuhan ko eh, di kagaya dati na umaabot ng P1,500 ang nakukuha ko... hehehe...

after naman nung reunion nung december 26, birthday ng ninang ko so pumunta kami sa kubo nila at doon buong araw... wala lang, kainan ulit... videoke... games... masaya siya...

pag nandon ako sa probinsya, sigurandong tataba lang ako don... puro higa at kain... tsk.tsk.tsk. nakakatamad kasi kumilos kasi ang lamig-lamig... ka-level lang kasi ng tagaytay ang indang kaya magkasing-lamig lang sila... ang sarap-sarap matulog...

tapos naman nun, kinabukasan, pumunta ulit sa bukid, nanguha naman ng buko... ang layo ng nilakad namin... nakakapagod... hehehehe

at ang end result: nilalagnat ako ngayon... bwiset...

malapit na ako mag-enroll for 3rd term... hehhee... dito na lang muna... sana maging maganda new year ko... o sige... dito na muna... ciao!

Tuesday, December 21, 2004

Course Card Distribution Day!!! December 20, 2004

salamat sa diyos... pasado ako sa lahat ng subjects...

yeah... course card day distribution... ang araw na kinakatakutan ng lahat ng lasallista... hindi alam kung anong grade ang kanilang nakuha... handang magmakaawa para ipasa ng kani-kanilang professor... araw ng kasiyahan, at araw din ng kalungkutan...

para sa akin... masaya itong araw na ito... una dahil sa trabaho ko sa pagiging Lasallian Ambassador...

unang project sa lamb ay ang christmas salu-salo... i was supposed to be a marshall... maninita sa mga pasaway na tao na abusado sa pagkain... pero bigla akong na-reassigned sa pagiging producer, in other terms, runner. takbo pataas, takbo pababa para kumuha at maghatid ng pagkain... pero enjoy na enjoy ako don... ewan ko ba na pag may nabibigyang serbisyo ako, i feel happy...

in fairness, nag-observe si bro. andrew gonzales sa place, at yun natuwa siya dahil sobrang efficient daw namin... astig... syempre karangalan namin yun no...

second, nanalo ang tapat sa lantern making contest... kahit 2nd place lang pero sobrang astig na non... yehey, may funds na kami sa general elections...

third, kasi pasado ako sa lahat ng subjects ko! astig talaga... kahit hindi nag dean's lister, masaya naman ako dahil sa hirap ng mga subjects ko ngayong term, naipasa ko lahat... naglaro nga lang ang grades ko sa 3.0 at 2.5... pero masaya na ako don... astig talaga... so ibig sabihin non, lahat ng subjects ko na kukunin next term... yun na yun! yehey... bawi na lang ako next term...

*OTHER MATTERS*
nakakapraning yung kanina... pumunta kasi kami sa bahay ng kapitan ng barangay namin para sa proposed project... eh yun, hindi naman sa ayaw niya, ang sabi niya eh mag-miting muna kaming sangguniang kabataan kagawad. tapos biglang pumasok yung issue ng sweldo na kung saan, kinampihan daw namin yung chairman namin, kesyo binastos namin siya, etc. etc. grabe, sapul na sapul kami... naguguluhan na ako kung sino ba ang papanigan ko sa kanila... grabe, iba talaga ang pulitika...

5 days na lang pasko na... nasunod yung wish ko na VCD ng harry potter 3... thanks nikka!

pano ba masusukat ang pagiging mature ng isang tao? ano ang mga signs na talagang nag-mature na siya? sa mga nakakabasa nito, react! give me insights!

o siya dito na muna... mukhang after christmas na ako or worst, after new year na ako makapag-update... wag naman sana... ciao!

Thursday, December 16, 2004

2nd term is officially and finally over...

hay salamat, ang hirap at pasakit, tapos na...

ibang klase itong linggong to! whew! buti na lang tapos na talaga... makakapag-pahinga na rin ako... nyehehe...

DECEMBER 12, 2004, SUNDAY
--> Loser day... walang ginawa kung hindi mag-aral... malala naman kasi yung sked ko ng finals... mejo mahirap kaya dapat mag-aral na ng ganitong time palang... hehehe...

DECEMBER 13, 2004, MONDAY
--> BUSSTAT final exam... buti na lang, dire-diretso lang ang pagsagot ko... at natapos ko ang exam... akala ko mahihirapan ako ng todo... ok lang... sana pasado at ma-meet yung expected grade ko... after exams, aral naman para sa 3 exams the following day...

DECEMBER 14, 2004, TUESDAY
--> Loser day part 2... natulog ako 3:30am na... at mejo nagising ako 5am dahil 7am ang 1st test ko at ACCOM2B yun... buti, pumasok sa utak ko lahat ng pinag-aralan ko... at ok siya... now i see the difference ng mga test ng accounting majors at non-accounting majors... bullshit yung sa accounting majors dahil ang hirap talaga...
Next test, 10:30 am, COMCALC... eto praning to... na-review ko naman lahat... kaya lang pag kita ko sa test, parang may nag-reset nung utak ko at nawala lahat ng alam ko sa comcalc! shitter talaga... mababa tuloy ako don, at yun pa ang maghahatak ng grades ko pababa... goodbye 3.5 sa comcalc... sana 3.0 ok na yun...
And lastly, BUSORGA, 3:30pm-5:30pm. astig to, nag-aral lang ako mula 1:00pm-3:30pm. astig di ba, mejo 10 chapters ba naman ang babasahin di ba... aral kami ni barbra sa library at buti na lang, sa pag-tatagalog ko ng mga terms, nasagutan ko naman lahat... sana 3.5 ako sa busorga...

DECEMBER 15, 2004, WEDNESDAY
--> FINMA1A 1:00pm-3:00pm... hindi ko nareview yung net working capital management... kaya yun, puro hula... pero educated guess naman yun... buti na lang, bulk ng exam ay sa financial ratios kaya, alam na alam ko... hehehe... sana mataas din makuha ko... kasi eto na ang majors ko di ba...

DECEMBER 16, 2004, THURSDAY
--> 1st day ng simbang gabi!! yehey, sana ma-straight ko ulit itong 9 mornings... pero may naiinis sa akin, sina kuya at nanay kasi hindi ko daw sila ginising... sorry ha... tao lang... after that, kain lang tapos alis na dahil ngayon ang final presentation ng project sa comp2ac... tinapos namin ni gino kahit papaano ang project... ok na siya eh... kahit mejo kulang...
eto yun eh, iba talaga ang powers ng gokongwei... tama ba naman na nung ipre2sent namin eh, dun nagloko yung program! hindi lang naman sa amin nangyari yun pati rin sa ibang group. 2 lang daw ang maayos na gumagana... hehhe... pero feeling ko naman pasado na ako don kasi pasado naman ako mid-terms... sana lang talaga ok yung grade... sabi ko nga kay miss, "merry christmas po! mahirap mag-pasko na mabigat ang konsyensya..." tawanan kami lahat... hehehe...

DECEMBER 17, 2004, FRIDAY
--> 2nd day na ng simbang gabi... dapat magising ako... dapat talaga... at saka mamayang 2:00-5:00pm nasa lasalle ako, may turnover ceremony ng lasallian ambassadors!! haay... astig...

o siya dito muna, at least nakapag-update ako... kita-kits sa monday for the course card distribution! at saka sa ym... chat-chat na lang... ciao! happy term break!

ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR!

Saturday, December 11, 2004

3rd term schedule...

2nd year, 3rd term... ang bilis talaga...

Nung December 9 lang nilabas ang EAF namin at sa wakas final na ang mga schedules ko... actually, mejo hindi pa pala dahil hindi pa ganon sure, pero sana naman makapasa sa lahat ng subjects ngayong 2nd term di ba...

MWF
0920-1020 COMSTA2
1030-1130 COMLAW2
1140-1240 FINAMA2
1430-1530 FINACCT

TH
1120-1250 LITERA2
1440-1610 MARKETI
+ ORIENT2 (C32)

O di ba, astig? tamang-tama lang... ewan ko na lang kung ma-late pa ako nyang lagay na yan... pansin nyo wala akong class ng 1250-1420? kasi yan yung meeting time namin sa tapat... general elections na kasi next term... kaya busy na naman ang aking pinakamamahal na org sa lasalle..

sana makapasa talaga, para dire-diretso na... este straight pala... hehehe... ciao!

Thursday, December 09, 2004

Christmas Wish List!

16 days na lang before Christmas day!

Yeah, it's the christmas season again... hehehe... panahon na naman ng simbang gabi (nakabuo ako for 2 straight years...) sa december 16 at sana matupad lahat ng wishes ko... hehehe...

CHRISTMAS WISH LIST!

1. Makapasa sa lahat ng subjects ko especially sa BUSSTAT at COMP2AC.

2. Bagong cellphone preferably kahit N3660 lang...

3. Sana, kaya pa rin maging Dean's Lister..

4. Bagong mga damit at mga pantalon para may pamasok sa school...

5. Harry Potter and The Prisoner of Azkaban VCD...

6. Masayang buhay sa susunod pa na kung saan ay dire2tso na ako at walang bagsak..

7. Maging Lasallian Ambassador (granted na)

8. Play Station 2

so, yun palang yung ibang gusto ko.. at sana madagdagan pa... ang babaw ko no? eh alam ko naman na yan lang ang kaya ma-afford kaya ayoko humiling ng mga imposible... hehehe... ciao!




Wednesday, December 08, 2004

One of my dreams came true!!!

Greetings, Christian Achiever!

After the long process of evaluating more than 200 applicants, we are pleased to inform you that you have passed the screening and are now eligible to become a full-fledged Lasallian Ambassador.

As a Lasallian Ambassador, you are expected to attend all required activities of the organization. Attendance and performance in these activities and the training sessions will be evaluated.

Please take note that you will be required to attend the annual TURNOVER CEREMONY which will be held either on December 17-18. Details of the activity are yet to be finalized, so please wait for further announcements...


Nagulat ako, eto ang nabasa ko sa email ko!!! Shit... my long wait is over!!! I finally passed the Lasallian Ambassadors!!! SObrang pangarap ko talaga na makasama dito... thank you talaga!!! Pagbubutihan ko talaga itong pinasok ko na ito... astig talaga...

Monday, December 06, 2004

4 days vacation... boring...

share ko lang, astig tong ginawang logo ng tapat... thanks to mad for the pic!
Image hosted by Photobucket.com

anyway, 4 days vacation... tama... kasi naman tong yoyong na ito... super typhoon... whatever! mejo sablay nga eh...

wednesday night, sobrang nag-aral na ako dahil test ko na sa busstat at accom2b kinabukasan... paggising ko ng 6am, ayun, cancelled daw ang classes sabi ng CHED, so tuwang-tuwa naman ako na nanghihinayang. Gusto ko na kasi matapos ang mga iniisip ko, tapos wala naman pala pasok... grrr... ayon, walang ginawa sa bahay, pero san ka, normal na araw lang nung araw na yun kasi darating pa si yoyong ng mejo pagabi na... at yun nga, gabi na nga, at walang kuryente... grrr... nakipagtelebabad na nga lang ako kay chandy... in fairness, inabot kami ng 12:30am... mejo malapit na mag-3 hours ang usap... kung ano-ano lang naman ang pinag-usapan eh... hehehe...

inanounce na nga rin pala nung gabi na walang pasok sa friday... shit, nakalusot na naman sa quiz sa comcalc... at wala na naman akong ginawa sa araw na yun... shitter... at maganda na naman ang araw na yun ah... what a loser talaga...

dumaan ang saturday and sunday, wala lang... ginawa ang project sa finance, at walang ginagawa sa comp2ac... shit talaga... malapit na pasahan nung final project at wala pa kaming nagagawa...

eto pa, nakakainis ang LSAL at BnE07 volleyball mens team... grrr... dinefault ba naman kami ng LSAL dahil hindi daw kami kumpleto by 7:15, eh hello, anong oras ba ntapos ang game ng EdGE 2004 at Focus 2004? 7:45pm! tapos sasabihin pa nila na hanggang 8pm lang ang reservation... grrr... tapos pinapili ang bne07 kung gusto nila maglaro, ayaw nila! so ibig sabihin panalo sila ng ganon lang... grrr.... ang 5-0 namin, balewala dahil sa isang ganon lang??? shit talaga... sana mailaban pa ni christine nuevo yung game na yan para ma-reschedule sa next term... babawi ako sa bne07... grr talaga...

o siya, dito muna... lumabas na ang finals sked at hanggang wed. next week lang ang exams ko, swerte no? no! kasi sa tuesday exam ko, mejo 3 exam ko, accounting, calculus at busorga lang naman... madali? no... kaya dapat mag-aral ng mabuti... sana magawa namin ang project sa comp2ac... please talaga...

STAR CITY ADVENTURES... November 29, 2004

STAR CITY, now waterproof... kadiri...

hay naku, after the drogeng teambuilding kina mela, eto naman ako sa starcity, kasama ang aking kapatid at mga pamangkin + pamilya sa indang... nakakapagod ah...

binayaran lang namin ni ate ang entrance dahil feeling ko ayoko ng mga rides don... hehhee... mejo tama ang desisyon namin dahil ang daming taO!!! sobra... kulang nalang magsiksikan na lahat sa sobrang dami ng tao... ang tagal mo maghihintay para makasakay ka, kaya ok lang talaga na entrance ang binayaran... nag-gala lang kami ng utol ko at mga anak niya...

astig yung mini-tiangge don... ang sarap mamili kung may pera ka... hahaha... nakabili lang ako ng salamin don, at yun lang...

ang pinakagusto ko lang nangyari don ay yung nanood kami ng princess and the moon whatever... ballet siya na pang-bata ang story... pero i really enjoyed it especially the circus part at the luminous part din...

i remember nanalo si gian, pamangkin ko ng mini-fish sa mga games... pero si ghileen, my other pamangkin, hindi nananalo... sobrang tinopak siya sa star city kasi nga hindi nananalo at walang nakukuhang premyo... mejo malaki na rin ang nagastos ng ate ko kaya last try na lang... at pag tinamaan ka nga naman ng swerte, yung pinakamalaking toy pa ang nakuha ng pamangkin ko, stuff toy na nemo... sa wakas tatahimik na rin ang aking pamangkin... haay...

umuwi kami 3am na... hinatid kami sa amin... nakakapagod... tama na muna yng galang yun... hehehe...

TAPAT-CBE Teambuilding! November 28-29

Another TAPAT teambuilding, pero ngayon CBE naman... astig...

Coming from a group project work sa Lasalle for BUSSTAT (buti, tapos na kami), uwi kagad ako bahay kasi meeting place is at alabang town center at 5pm.... mejo late na ako nakapunta pero ok lang dahil late din sina gov. beni... nandon si arden, usapan kasi nood muna sine... kadiri pinanood namin, "bcuz of you" yung movie courtesy of arden... may ka-jologsan yung movie kasi halatang sponsors ang globe at samsung... pero ok yung dalawang story, except kina diether at kristine... (sensya, sobrang jologs ko)

after the movie, we (arden, gino at ako) went to picture city to meet up with nicole, grachelle, and ingua and beni... after that humiwalay na samin si nicole and grachelle, at nag-taxi na kami para makipag-meet sa iba pang sasama, sa dencio's sa sucat...

kita-kita kami nina mela, mito, john, jm, amabel at iba pa... kain kami don, and wel astig yung sinampalukang manok... sobrang sarap... kakainin ko ulit yun pag kumain kami... hahaha...
after that, convoy na papunta sa place ni mela, sa ayala southvale...

the place was really beautiful... ang ganda ng place... ayos na ayos for teambuilding... ang ganda ng house nila, kumpleto pa sa entertainment showcase... hahaha...

usap-usap sa GE ang ginawa namin... after that, swimming, inom, tawanan, jokes coming from mito, atbp... astig talaga... lasing na naman ako nung gabing yun... hehehe... nakakatawa dahil, nag-billiards kami ni gino, lasing na ako, pero i won, 3-1... in fairness, hehehe...

after ko maligo, ang sakit sakit na ng ulo ko... tulog ako kagad... paggising, ayon, kain at masakit pa rin ulo... tapos tulog ulit pagkakain... paggising ko, nood naman ng movie, una yung chasing liberty, pangalawa, ay ang bring it on 2, at ang pangatlo, ay ang cruel intentions 3... lahat magaganda... wala akong masabi...

hindi kami nakaalis kagad... 4 pm na ako nakauwi sa bahay and guess what, nagpalit lang ako ng sapatos at larga na ulit papuntang star city... haay... nakakapagod...