Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Tuesday, December 21, 2004

Course Card Distribution Day!!! December 20, 2004

salamat sa diyos... pasado ako sa lahat ng subjects...

yeah... course card day distribution... ang araw na kinakatakutan ng lahat ng lasallista... hindi alam kung anong grade ang kanilang nakuha... handang magmakaawa para ipasa ng kani-kanilang professor... araw ng kasiyahan, at araw din ng kalungkutan...

para sa akin... masaya itong araw na ito... una dahil sa trabaho ko sa pagiging Lasallian Ambassador...

unang project sa lamb ay ang christmas salu-salo... i was supposed to be a marshall... maninita sa mga pasaway na tao na abusado sa pagkain... pero bigla akong na-reassigned sa pagiging producer, in other terms, runner. takbo pataas, takbo pababa para kumuha at maghatid ng pagkain... pero enjoy na enjoy ako don... ewan ko ba na pag may nabibigyang serbisyo ako, i feel happy...

in fairness, nag-observe si bro. andrew gonzales sa place, at yun natuwa siya dahil sobrang efficient daw namin... astig... syempre karangalan namin yun no...

second, nanalo ang tapat sa lantern making contest... kahit 2nd place lang pero sobrang astig na non... yehey, may funds na kami sa general elections...

third, kasi pasado ako sa lahat ng subjects ko! astig talaga... kahit hindi nag dean's lister, masaya naman ako dahil sa hirap ng mga subjects ko ngayong term, naipasa ko lahat... naglaro nga lang ang grades ko sa 3.0 at 2.5... pero masaya na ako don... astig talaga... so ibig sabihin non, lahat ng subjects ko na kukunin next term... yun na yun! yehey... bawi na lang ako next term...

*OTHER MATTERS*
nakakapraning yung kanina... pumunta kasi kami sa bahay ng kapitan ng barangay namin para sa proposed project... eh yun, hindi naman sa ayaw niya, ang sabi niya eh mag-miting muna kaming sangguniang kabataan kagawad. tapos biglang pumasok yung issue ng sweldo na kung saan, kinampihan daw namin yung chairman namin, kesyo binastos namin siya, etc. etc. grabe, sapul na sapul kami... naguguluhan na ako kung sino ba ang papanigan ko sa kanila... grabe, iba talaga ang pulitika...

5 days na lang pasko na... nasunod yung wish ko na VCD ng harry potter 3... thanks nikka!

pano ba masusukat ang pagiging mature ng isang tao? ano ang mga signs na talagang nag-mature na siya? sa mga nakakabasa nito, react! give me insights!

o siya dito na muna... mukhang after christmas na ako or worst, after new year na ako makapag-update... wag naman sana... ciao!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home