Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Saturday, November 27, 2004

LSAL Volleyball update!!!

ang galing ng team namin... sobra...

the coolest team ever... standing namin ngayon? 5-0... sana tuloy-tuloy na to hanggang championship!!!

ELIMINATIONS...
1st game: BnE2006 vs 56th ENG
--> 2-1
2nd game: BnE2006 vs FAST2003
-->2-0
3rd game: BnE2006 vs CATCH2T8
--> win by default
4th game: BnE2006 vs 58th ENG
--> 2-1

QUARTERFINALS
5th game: BnE2006 vs 57th ENG
--> 2-1
(may susunod pa)

Astig talaga... team namin (yung mga naglalaro ah)
1. Aaron "the setter"
2. Jason "wing spiker"
3. Arnel (ako yun) "wing spiker & utility setter"
4. JM "sweeper & libero"
5. Art "the receiver"
6. Cals "the blocker"
7. Louis "the blocker"
8. JJ "the receiver"

Go for the championship!!!

Monday, November 22, 2004

TAPAT TEAMBUILDING!!! November 21-22

tapat teambuilding... hmmm... first time to go here... at first, i don't have the exact idea of what will i be doing here... pero inassume ko na magiging masaya to...

pinayagan na ako ni nanay at naghanda na... mejo late ako nakaalis at hassle pa kasi kaya pala sobrang trapik sa taft eh sarado pala yung sa may benilde because may party don.... so naglakad na lang ako at mejo umuulan pa non...

pagdating ko sa tambayan, naglalaro na naman ang 103 at 104 ng patintero... tapos nag-ayos na para sa biyahe... napasama ako sa COS at buti na lang may CBE din don...

ang ingay sobra ng mga COS girls... walang katigilan ang mga bibig nila... hehehe... hindi man lang ako nakatulog sa biyaheng yon eh usually natutulog ako... dinaanan namin si beni, our governor, sa may shell sa paraƱaque... tapos skyway na kami...

stop-over kami sa petron south super highway at doon na nagkita-kita uli. kain muna t pahinga tapos sibat na uli. mejo pasaway ang van namin, hindi marunong sumunod sa instructions ang driver, ayun nagmamarunong... nawala tuloy yung kotse nina kate sabado...

anyway, kumain kami sa tudings ng porkchop, itlog at rice... masarap siya, ok lang... don din nagkwentuhan na muntik ng maaksidente ang COE car, headed by kc... buti na lang walang nangyari...

pagdating sa place, ang ganda sobra, same village na pinuntahan namin nung birthday ni nikka, pero ibang house naman sa tapat. ayos muna gamit at bihis na for swimming... tapos start na ang activity...

Image hosted by Photobucket.com
sharing-sharing muna ang nangyari... getting to know each other ika nga... kinwento ko lang naman ang mr.quickly adventure ko nung high school ko at benta naman sa kanila... tapos, nag-trustfall kami (di ko alam exact na tawag). basta sasaluhin ka ng mga tapat girls habang babagsak ka sa pool ng pahiga... tapos swimming na at... INUMAN NA!!!!

red horse kagad ang inupakan ko... hahaha... and then eventually, nagka-amats na ako... hilong-hilo na ako non at kung ano-ano na ang pinaggagagawa ko... marami na rin ang bangag sa amin... hahaha... nakatulog pa nga ako sa jacuzzi eh, akala nila nalulunod na ako... hehehe...

Image hosted by Photobucket.com
kabangagan namin ni tesa at mito... (thanks tesa for the pics)

tulog ako bandang 5:30am... tapos gising ng 9am for breakfast... ang sakit-sakit ng ulo ko... pagkakain ko, tulog ulit ako... tapos, next activity na... jologs game yun, nakalimutan ko lahat ng answers, tipong, "sino ang 4th gwapings?" or "ano ang unang soap opera ni judy ann santos?" mejo nawala na lahat sa utak ko... panalo kami don..

yung star game, eto yung nangyari... (thanks to ben, president, for the pic)
Image hosted by Photobucket.com
ako yung lider dito, pero si kia nakagawa nung star... hehehe, thanks kiatch!

tapos sinabon naman namin si john at tin... pabilisan maubos ang sabon... talo kami hehehe... tapos yung spider thing... itra2nsfer namin ang bwat isa sa kabila without touching the web... astig siya... you will value the trust of your co-tapat members...

sulit ang P500... ang saya pa sobra... we left laguna 4:00pm... nakasakay ako sa pick-up ni army, evp namin... baba kami town center nina ben at boni, gov. ng COE... pahinga na...

mauulit uli ito next week, dahil CBE tapat teambuilding naman... sana worthwhile din ito... cge, peace out!


Tuesday, November 16, 2004

One hell of a weekend...

one of the best weekends ever...

marinig mo pa lang na walang pasok ng monday, sobrang saya na di ba...
so yun nga, sobrang saya nga ng mga nangyari...

*SATURDAY* November 13, 2004
--> Debut ni cyndi nitong araw na ito, at syempre, kainan na na naman... but medyo disappointed ako sa setting...
Kasi ba naman, papunta pa lang kami nina markhie (classmate nung HS), and jham (cousin), hassle na kagad... nakakainis talaga... nawala kami sa loob ng BF Almanza... 2 years na kasi ako hindi nakakapunta... and guess wat kung magkano ginastos namin sa taxi? P115.00!!! nakakainis talaga...

Pagdating namin, walang table.. hehehe... syempre formal na formal ang aking kasuotan pero yung iba naka-tshirt... medyo shocking... pero masarap naman yung food... enjoy naman talaga siya...

*SUNDAY* November 14, 2004
--> Sa sobrang katamaran ko, wala akong ginawa maghapon... nag-answer lang ako ng assignment sa finance...

*MONDAY* November 15, 2004
--> The best day ever! Niyakag ako ng room mate ko na si kuya james manood ng sine together with her gf... sabi ko susunod na lang ako para may bonding time muna sila... tinapos ko kagad ang assignment ko, and headed off to alabang town center at 5pm... pagdating ko don, nilibre niya muna ako sa burger king ng whopper... ehem... malaki-laki to... so nood na kami ng the incredibles... astig kaya tong movie na ito... sobrang mag-eenjoy ka dahil ang ganda ng pagkakagawa sa movie na ito... people will surely enjoy this one... tapos kain kami sa italianni's, tapos dessert sa bizu, at sa haagen dazs na P120 ang isang scoop... well, sosyal eh... thanks kuya james at ate lindsay...

o siya, sige, may online enrollment pa ako... paunahan na naman dito mag-type... sige..

Friday, November 12, 2004

Wazzup Wazzup!

"As long as the stars shine down, from the heavens.. As long as the rivers run to the sea.. I'll never get over you, getting over me..."

Do you experience L.S.S? or the last song syndrome, a song that you just heard and then it keeps on playing in your head... well for me, it happens always, but it was different this time...

when i was going home, i had my chat with my blockmates... but the moment i entered the bus, one girl is looking at me... and when i looked at her, i was shocked... she looks like bea!!! i immediately removed my eyes from her and kept thinking that it was impossible because the girl was wearing a diiferent school uniform, not like the school uniform in SAS. then, while the bus was in motion and i'm talking with my blockmates, the song i'll never get over you, kept playing in my mind... and the funny thing is that it was actually related to bea, that i can't get over her.... or is it really the thing?

i'm recuperating from the thing that still gave me a heartache.. i'm forgetting all the things that i knew about her... move on arnel! hehehe...

anyway, i'm having a long vacation because of the end of ramadan on monday... i still have a training tonight for alyansang tapat sa lasallista and lessons to be studied this weekend. im happy that all my subjects im taking up is ok, passing all of them,... on nov. 17, we will have our online enrollment for 3rd term, and hopefully, i'll get my chosen subjects...

i'll be posting again maybe next week....

peace out!


Monday, November 08, 2004

Baywalk pictures... October 30, 2004

Yeah, eto na rin yung mga pics namin... astig... masaya kami at nagkasama-sama ulit kami...

eto kaming mga nagpunta sa baywalk...
Image hosted by Photobucket.com
(counter-clockwise) jomar-daisy-aries-arnel-markhie-aileen

ar3sundays and markhie without arlyn...
Image hosted by Photobucket.com

ako at si aries...
Image hosted by Photobucket.com

ako naman at si aileen
Image hosted by Photobucket.com

may iniisip ba sila?
Image hosted by Photobucket.com

the biyatches.. (joke lang..)
Image hosted by Photobucket.com

gwapito sa lahat...


astig, ang saya talaga... magkikita-kita ulit kami sa november 13, debut ni cyndi...

**FOR TODAY**
Hindi na naman ako nakapasok ng CRITHIN, potah kasi yung traffic kanina... pero ok lang, kaya naman habulin yun... astig yung quiz sa COMCALC, feeling ko madali, pero wag maging over-confident... pero sana mataas... maraming quizzes ulit ngayong week pero sana kayanin lahat... go go go!
peace - out!

Friday, November 05, 2004

HAPPY BIRTHDAY ARNEL!!!

happy birthday to you...

kadiri, 18 years old na ako... pero masaya kasi legal na legal na ako...

madami nang nag-greet sa akin... ang dami pa ring nakakaalala... ang saya... pero yung iba, hindi man lang nila naalala... as of now, ang aking dakilang best friend, hindin pa ako binabati... sige lang.. matagal pa naman bago matapos ang araw eh...

wala pa namang nangyayari... nandito ako ngayon sa lasalle at nag-aaral... binati na ako ng mga blockmates ko at pati ng family ko sa lasalle, ang alyansang tapat sa lasallista...

sana may surprise akong makukuha bago matapos ang araw na ito... i hope talaga...

typ na lang ako pag may nangyaring maganda...

HAPPY 18th BIRTHDAY ARNEL!!!!

Thursday, November 04, 2004

Bakit ganito ang nangyayari sa akin?

ang labo... ganito ba dapat?

ang weird ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon? is this really a part of growing up? hmmm... ewan ko...

first sa academics ko... naiinis ako dahil parang hindi na ako yung gaya dati nung high school na magaling mag-memorize... dati, word-per-word alam ko... 5 long pages na speech kayang-kaya ko... pero ngayon parang unti-unti nang nag-de2preciate (accounting..) ang utak ko... shit, ayoko mawala yung ability ko na ito... ano kaya magandang gawin?

second ang so called "lovelife" ko... bakit ganoon ang ibang babae... merong iba na nagsabi sa akin, "hmm.. pag may naging girlfriend ka, siya na yata ang pinaka-maswerteng tao sa mundo.." eh kaya lang, kailan pa? tama sinabi sa akin ng aking pinsan na most of the girls, ang hinahanap sa isang bf ay either mayaman or gwapo or both kasi gusto nila stable na sila kung yun yung makakatuluyan nila... well, sa tingin ko tama yun... 2 na niligawan ko, at ang 2 yun ay umayaw. kesyo it's not the right time pa daw, so so, whatever, blahblah... bihirang-bihira pa mandin ako makakita ng girl na talgang gusto ko. imagine, yung 1 kong niligawan ay long time crush ko since grade 4, pero niligawan ko siya nung 2nd year. ang masama tropa na kami non, kaya napagdesisyunan namin na walang taluhan na lang. then i met this now-a-4th year-student in my old school na talgang na-inlove ako. ilang years ko siya hinintay? 4 years. nakaalis na ako't lahat sa school na yun pero bumabalik-balik ako para sa kanya... pero san napunta lahat ng pangarap ko para sa aming 2? sa wala, dahil hindi niya ako pinagbigyan...

malas ba talaga ako? why can't i find the suitable girl for me? ok fine, wag magmadali, dadating din yan... kailan pa? huhuhu... kasi nman, nagpaparamdam na ako sa crush ko ngayon, tapos parang wala lang. tapos, kinwentuhan pa ako na may kausap daw siya na classmate niya na nagiging close sila dahil lagi silang nag-uusap. tama ba naman un? ouch po... hehehe....

hanggang rinig na lang ba ako ng mga experiences about relationship? ayoko naman ng ganon... ewan, kasalanan ko rin siguro dahil talagang mahal ko ang mga parents ko na kailangan ko talga muna makapagtapos para maibigay ko sa kanila ang gusto nila... pero pano naman yung sa akin?

malabo talaga... ewan ko... natatawa na nga lang ako na kapag napag-uusapan nmin si bea (siya yung 4th year - 4 years ko hinintay) at pag nag-rereact ako na wla na, tapos na, (kahit wala naman kami) sabi ng mga pinsan ko, i feel bitter pa rin dahil obvious pa rin daw na mahal ko pa rin siya. hello... ikaw ba naman ginawa mong inspirasyon, naging isa sa mga dahilan kung bakit ako naging valedictorian, hinintay mo khit college ka na, makakalimutan mo pa rin ng basta-basta? hmmm... i'm not blaming bea dito ha... it's just that ang hirap lang talaga kalimutan siya...

well, patience na lang siguro ang susi dito... i hope na yung ma-mi-meet ko, pang-habang buhay na. hindi naman kasi ako yung tipong "collect and select" dahil wala akong karapatan at ginagalang ko lahat ng mga babae...

o siya, dito na muna ang aking kwento...

Tuesday, November 02, 2004

All Saints Day... November 1, 2004

alalahanin ang mga mahal sa buhay, baka hilahin ang paa mo habang natutulog ka...

eto lang naman ang panakot sa akin nung bata pa ako kaya dapat pumunta sa mga namatay ng kamag-anak twing todos los santos...

ano nga ba ginawa ko sa mga araw na ito...? hmmm... ah, nung umaga ng october 31, ginawa pa namin ni gino ang project namin sa comp2ac sa netopia sa sm southmall... eh di medyo ayos na siya so gumala naman ako together with my cousins... bumili si kuya rowel ng regalo niya for her GF... after that nag-ayos na kami kasi uuwi na kami sa probinsya with my ate and her family...

dumating kami sa indang ng mga 730pm yata at ang una kong ginawa ay kumain. wala lang, kain lang nood tv at iba pa.. nanood din ako ng the grudge pero hindi ko natapos. tulog lang ako kagad at kinabukasan, nov. 1, pumunta na kami sa public cemetery kung nasan nandon ang aking lola at lolo... hindi rin kami nagtagal at umuwi na kami ng las pinas kagad para pumunta naman sa isa pang cemetery...

ok so nakapunta na ako sa golden haven. nandon lahat ng mga pinsan ko so nakisaya na ako. gala kami ng gala sa buong sementeryo at literally nakakita kami ng mga mamaw... school of gays ang tawag namin dahil kumpulan silang naglalakad at naghahanap ng mga gwapo gaya nmin... hehehe.... kadiri... wel anyways, inabot kami ng 12 am don sa place na yun at umuwi na rin kagad ng tawa ng tawa kasi puro jokes sa jeep nung pauwi na kami.


sinundo ko pa si kuya rowel sa kanila kasi don sya matutulog sa kwarto ko. eh ang loko, antok na, bigla kong kinwentuhan about teph (his gf) so nagising at kung saan saan napunta ang topic. bonding time ba, hehehe... eh napansin nmin na 4:30am na at may pasok pa ako ng 8am (nov.2 yun, at may pasok sa lasalle) kaya yun. dahil don, late ako ng 35 min. pero ok lang naman...

ayos... 4 days nalang... ang saya-saya... dito na lang muna ulit...