Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Tuesday, June 28, 2005

the doctor says...

i went to the doctor nga pala last saturday morning to have a check up... kasama ko si nanay pumunta sa alabang medical clinic...

kinakabahan na ako sa kondisyon ko... lalo na ng ilong ko... i have a nasal polyp kasi that is causing my nose to produce more sipon... kaya barado lagi ilong ko... hehehe...

and hindi na ako nagtaka sa sinabi nya... i need to have an operation.. mejo malala na daw kasi yung polyp ko... at dapat na daw talaga tanggalin... hahaha...

im planning to have my operation this term break... buti na lang libre siya... kailangan lang daw muna ako i-CT scan para malaman ang pinaka itsura na... waaaaaah....

nakakatakot... pero kailangan ko to... please pray for my good health... hehehe...

Sunday, June 26, 2005

Aligned: Tapat Party 2005 : ASTIIIIG!

wow... this party really is hot! its ALIGNED: TAPAT PARTY! it happened last night, june 25, 2005 at racks el pueblo... astig... hahaha... palibhasa hindi ako pala party kaya masaya ako na nakapunta ako ngayon... hehehe... ang masaya pa dito... 430pm lang ako ng hapon pinayagan ng parents ko... ligo kagad sabay alis kasi sina kia, aalis ng lasalle by 6pm... well eventually, naging 730pm na kasi late si charston.... hmp. hahahha...

so yun, kahit na sobrang lakas ng ulan, sugod pa rin kami... ang kupal nga lang nung taxi driver... hindi nag metro, siningil kagad ay P200... tapos nung mejo nalayuan na, P300 na lang daw... bwiset... nakakainis talga yang mga ganyang uri ng taxi drivers... only in the philippines!

well anyway, pagdating don, mejo wala pang tao... kaya nakaupo pa lang kami... daldalan lang with other tapat core... nung napansin ko na wala na kong pera, sabi ko kailangan kumain ako sa labas... buti na lang, sina nyx, peter, jade at winnie, kakain sa mcdo... kaya sumama ako... hahaha! at least sulit pa yung pera ko... balik kagad kami kasi mag start na yung fashion show...

astig... some of them i are tapat people, some i knew are freshmen... astig... shocking lang dito sina rondel... hahaha... model pala! hahaha... then after that, i hang out with my orientees from the college of science and college of engineering... nakakatuwa sila kasama... sabi ko, walang LAmb muna dito ha... hahaha...

inuman to the max! well for me, naka isang bote lang ako... naghihintay kasi ako ng manlilibre sa akin eh... hahaha... pero san ka, 1st tym ko hindi masuka sa san mig light, at nasarapan pa ako kahit sobrang nagyeyelo siya at may tonsillitis pa ako... hahaha... panalo!

habang may maga banda na natugtog... balik daldalan lang ako sa mga orientees ko... pasaway si nikko.. lasing na lasing na... as in english na siya ng english, tapos walang tigil ang bibig nya... laugh trip talga... hanggang sa ang nangyari, pinatulog na lang muna namin siya sa sofa sa may racks kasi nga hilong-hilo na siya at hindi pa nya alam kung pano siya uuwi...

so yun, its time to jam! mayonnaise ang inabangan ko dito... although hindi ko pa sila ganon kakilala, nagandahan naman ako sa mga kanta nila... pwede... hahaha... jamming lang talga... tapos nung naghihintay kami sa labas at nagdadaldalan, sabi namin, parang pamilyar to ah, pala yung HALE nasa labas ng racks... as in si idol champ nandon. so anong ginawa, picture to the max... kaya pala ganon, kasi close sila ng bandang mayonnaise kaya napadaan sila don...

before 2am umuwi na kami courtesy of mikky... magkakasama kami nina jc, amabel, rose, kia, ako at gino... thanks to mikky, hinatid kami isa-isa sa mga bahay-bahay namin... in fairness... and thanks to kia, dahil siya ang nagpa-gas nung sasakyan... hahaha...

astig talga itong party na ito!

side comments:
1. pasaway sa party si chastine... iyak ng iyak don... hmp. tapos nung tinuro ko si champ, ayun, nagsisisigaw ng malakas... may tama na yata... hahaha...
2. tapat alumni was there at ok pa rin sila (yung pakikitungo)... well hindi pa naman sobrang alumni dahil naabutan ko pa naman sila nung frosh ako... hehehe...
3. ang daming frosh! maraming salamat sa pagsuporta nyo...
4. walang orientee ko sa MFI ang nagpunta! hmp. pasaway.
5. lumilipad si beni nung time na yun, bakit kaya?
6. astig yung party!

i'll try to post some pics here pag may nakita akong mga kaaya-aya tingnan... hehehe... dito na lang muna ulit!

ciao!

Monday, June 13, 2005

LASALLIAN AMBASSADORS' OUTING 2005

yeah.. june 11 and 12 is the date to remember... sobrang astig ang nangyari sa araw na ito... an outing that made us more bonded and happy as a team... LASALLIAN AMBASSADORS OUTING 2005!!!

so, nagkita kita kami sa lasalle ng june 11... the night before, sobrang hindi ako makatulog. kaya YM lang ako... ilang oras lang ang tulog ko. so yun nga, 730am call time and buti na lang on time ako nakarating. tapos sa byahe, wala kaming ginawa kung hindi magkwentuhan ng magkwentuhan, lalo na si boni na sobrang daldal sa byahe... hindi ako nakatulog... hahaha...

napansin ko na lang na mejo 2hrs and 30mins na kami nakaupo... at wala pa kami sa patutunguhan namin. sobrang sakit na ng pwet ko... buti na lang nag pipicturan kami at nagpapatawa pa rin si boni...

ilang saglit lang, may nakita na kami... (thanks charms sa mga pics!)

Image hosted by Photobucket.com

aba, eto na pla ang destination, pranjetto hills, tanay, rizal. astig no?

grabe, ang ganda talaga ng lugar...parang nasa heaven ka na sa ganda...

Image hosted by Photobucket.com

so mejo nag explore kami ng lugar para ma enjoy namin ang scenery... yan yung isa naming nakita pa... plus eto pa...

Image hosted by Photobucket.com

astiggggg! swimming pool na ang sarap pagliguan... haaaaaay...

so yun... after that konting gala, kain na kami tapos tulog muna... kasi pineprepare na ng mga lamb core and alacore yung games para sa amin... so don muna ako sa kwarto with my room mate, mike tan... hahahha... wala lang, natulog lang kami...

then, this is it... ang laro: amazing race! sobrang nakakapagod tong larong to... akyat-manaog ka sa mga race, at sobrang ang sakit ng binti ko... ang panalo pa dito, when we have a task to be done, pawis na pawis ako... tapos nung biglang sinabi na kunin ang mentos na blue sa itlog, na nasa pool, wala na ako nagawa kung hindi mag dive at maligo... buti na lang hindi ako nagkasakit... haaaay.... talo kami, kami pinakahuli... 2 beses kami sinabotahe... hehehe...

nung gabi na, pinabayaan na kami kung ano gusto namin gawin... at ang ginawa namin ni patrese at boni ay mag ghost hunting... panalo... leche si patrese, nakakatakot yung mga sinasabi... hahaha... tapos kwentuhan din with mito at of course ang usapan: eleksyon at pulitika... hahaha... favorite talga itong usapan na ito... natulog ako kagad, sobrang napagod kasi ako...

gumising kami ng 730am para kumain at para mag ready sa susunod na activity... habang naghihintay, nakatulog kami ni boni at nakapagpapicture pa sa amin si robert. hmp.

Image hosted by Photobucket.com
ako yung nasa kaliwa at si boni yung nasa kanan... thanks robert ah!

as usual, nag human web kami na kung saan kailangan itawid mo yung ka-LAmb mo sa kabila using the teamwork... gasgas na ito pero nag-enjoy pa rin ako. sumunod na game, tug of war... talo namin yung isang group... tapos nung nag one-on-one, natalo ko si jerome (robert) at si boni... hahah... malakas yata to! after that: SWIMMING!!!!


Image hosted by Photobucket.com
yan yung ibang LAmb nung swimming time na... kami naman, eto yung ginagawa:

Image hosted by Photobucket.com

syempre, VOLLEYBALL!!! hahaha... hindi pwedeng hindi mawawala yan...

tapos... picture ulit!

Image hosted by Photobucket.com
(clockwise- me, robert, mito, rosco, aaron)

so yun... umalis na kami don ng 12pm pauwi ng lasalle... this has been one of the greatest gala na nasamahan ko... oohh... did i mention na wala kami binayaran dito kasi all expenses paid ito ng administration? astig!!! hahaha... i really enjoyed it so much! habol ko na lang yung ibang pics! basta ito, ok na muna ito...

o cge, busy na ulit sa studies! back to reality na ulit. hmp.

ciao!

Saturday, June 04, 2005

ano nangyayari kay arnel dis days...

haay... talking about work...

#1 - business and economics assembly
* kapatiran
* SC Module and block elections
* curriculum review for academic dev't of the lasallian education (cradle)
* hunting of thesis
* etc.

#2 - office of the executive treasurer
* services chair
*student council recruitment week
* folders for the SC financial documentations
* entry form for the college rings

#3 - alyansang tapat sa lasallista
* student council recruitment week
* meetings
* trainings

#4 - lasallian ambassadors
* usherings
* make-up LPEP
* LAmb teambuilding (coolness)
* tambay

#5 - academics
* magbasa sa bucotax, finbank, fininte, poligov, econtri, finterm
* maghanda na dahil parating na ang mga quizzes

#6 - myself
* in denial ako ngayon... hindi ko alam kung kaya ko siya mahalin... maraming factors ang nakasagabal ngayon sa akin... ayoko masaktan ang kaibigan ko... pero masaya ako kapag kasama ko lagi siya, kausap at kakwentuhan. nag-a-alala ako kapag hindi siya nakapag-reply sa mga text ko, at kapag hindi ko siya nakikita sa lasalle... hahaha... at isa pa pala... kiniss nya ako sa YM... sobrang saya ko! hahahah!

di naman obvious na sobrang busy ko di ba? walang chance... promise... hahaha...

dito na lang muna ulit... ciao...

Friday, June 03, 2005

First day of classes... (MAY 23, 2005)

Well, another SY has started, and another term has just begun… new set of professors, new set of classmates… finally, I can really call myself a 3rd year student, taking up finance majors… hahaha… and as usual, first impression time once again…

BUCOTAX >>> atty. jose mejia
Ang astig nitong professor na ito.. .sobrang nagpapatawa lagi siya.. not to mention his bashing to his former school, “the ateneo.” Ang labo nga lang kasi, he took up his undergrad at that school, and also, his law. Pero sobra siya kung manira ngayon… ang labo talga… ok tong prof na ito… sana makakuha ako ng mataas na grade sa kanya…

FINBANK >>> mr. lawrence co
Isa pa itong professor na ito…wala rin ginawa kung hindi magpatawa ng magpatawa. Sobrang walang dull moment nung 1st day… makwento rin ng makwento… pero hindi ko lang alam sa quizzes niya kasi weird yung mga ibibigay nyang type of quizzes, like crossword puzzles, word hunt at iba pa… pero kaya yan… hopefully…

FININTE >>> dr. ricarte pinlac
Kung anong taas ng energy level ni mr. co, siyang baba naman sa knya… mahina kasi boses niya, and he needs to have this microphone na ginagamit ng mga sales person sa SM… wahhaha… so far, sa mga lessons nya, sobrang bored ako… pero kailangan mag aral… majors na po ito… kaya kailangan galingan…

POLIGOV >>> ms. mary joy rosales

did i see meg cuasay (my friend) teaching in front of us? hahaha.. .sobrang kamukha nya talga si meg, pati yung boses... hehehe... ang lively niya magturo sa amin... tapos ang masaya pa doon, nagbibigay pa siya ng hearts pag sumasagot ka sa recitation nya... so far so good, at ang sarap makinig sa mga discussions niya... pulitika kasi eh... hahaha... im hoping to get high grade here...

ECONTRI >>> ms. mari latoja
yeah, you read it right. she was again my professor. hmp. for those who dont know, siya lang namn ang prof na nagbigay sakin ng 1.5 sa econone, at wala naman akong natutunan sa kanya! leche. buti na lang, dito sa econtri, kaklase ko sina mommy glaisa, ate cindy toh, besbes revie at si nyx. at least i feel safe pag sila yung mga kaklase ko.. so far, himala dahil naiintindihan ko lessons nya. ang masama, kilala siya sa pagiging pala-absent nya, at 2nd day palang ng econtri, ayon, absent kagad... pasaway talga...

FINTERM >>> dr. neriza delfino
well, isa sa mga institusyon na ng de la salle university... nalaman ko na dati siyang vice dean, at dating university registrar... ahhaha... ok naman siya magturo... kaya lang kailangan ko talga magbasa ng libro! para mahabol ko lahat ng sinsabi niya... hahahaha... aral maigi arnel, dahil majors ito...

haaay... so far, nakaka-2 linggo na kami... 12 weeks na lang, tapos na ang term... labo... hahaha

ciao!

Wednesday, June 01, 2005

What had happened these past few days...

Ang tagal ko na rin hindi nakapag-post... so anyways, eto na ang update ng buhay ko...

** LASALLIAN PERSONAL EFFECTIVENESS PROGRAM 2005 (May 16-21)
>>> wow... this had been the best experience of all the extra-curricular activities i joined in lasalle.. astig talaga...


I oriented 3 colleges… the first college is the college of business and economics. I, together with my besbes revie, oriented the freshmen with the same course im taking… management of financial institutions.. well, natural lang na tahimik sila at first. They get to know well more after the getting to know u activity… so yun… naging bonded kami, kahit sa konting time lang ng LPEP…

The second college that I oriented was in the college of engineering. Sila ang block EN at ang course nila ay ECE… well, sobrang thankful pa ako dito dahil na late ako ng gising. Sobrang napagod ako the day before… ang call time pa naman ay 6am at nagising ako ng 645am! Buti na lang hindi ako pinabayaan ni ate glaisa… she still wanted me to be her partner… sobrang nagmadali na lang ako kagad na pumasok noong araw na yon. So nung nandon na ako, naging bonded ulit ako sa block na yun… 5 girls lang sila sa classroom, at 37 boys… malamang naman kasi, eng people tong mga to… sobrang astig kasama tong block to dahil hindi sila mahirap pakisamahan… nabuo pa ang C2 boys ni ate glaisa… hahaha….

The third college that I oriented was in the college of science, block NO5, chem/biochem ang course nila. Actually, biglaan lang itong pag-o-orient ko dito. Dahil nga sa na-late ako, I wasn’t allowed to orient in the college of liberal arts, at pati na rin dito, pero eventually, pinayagan na rin nila ako. Ang partner ko dito non ay si anna… hahaha… hindi kami close ni anna, pero dahil dito sa block na ito, naging close kami at sobrang kulit namin to the extent na sinusuntok-suntok ko na siya sa harap ng orientees namin… laugh trip talaga… tapos, napaka-participative pa ng block na ito… sobrang nanalo kami sa mga contests na sinalihan namin… hahaha…


some pics of makukulit na NO5:

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

After this activity, nagkaroon kami ng culminating activity… haay… sobrang saya nung nangyari… pero hindi pwede ikwento kasi tradisyon na yun ng lasallian ambassadors… Tapos, nagkaroon ng treat samin ang OSAc, at kumain kami sa shakey’s. syempre, chibugan na to.. Being a lasallian ambassador makes me feel so good… This has been one of the best things I have done in lasalle… sobrang self-fulfillment na lang ang reward nito sa akin…

Anyway, yung ibang mga pics, upload ko na lang sometime…

Ciao!

(shakey's galore)

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

(great taste)
Image hosted by Photobucket.com