What had happened these past few days...
Ang tagal ko na rin hindi nakapag-post... so anyways, eto na ang update ng buhay ko...
** LASALLIAN PERSONAL EFFECTIVENESS PROGRAM 2005 (May 16-21)
>>> wow... this had been the best experience of all the extra-curricular activities i joined in lasalle.. astig talaga...
I oriented 3 colleges… the first college is the college of business and economics. I, together with my besbes revie, oriented the freshmen with the same course im taking… management of financial institutions.. well, natural lang na tahimik sila at first. They get to know well more after the getting to know u activity… so yun… naging bonded kami, kahit sa konting time lang ng LPEP…
The second college that I oriented was in the college of engineering. Sila ang block EN at ang course nila ay ECE… well, sobrang thankful pa ako dito dahil na late ako ng gising. Sobrang napagod ako the day before… ang call time pa naman ay 6am at nagising ako ng 645am! Buti na lang hindi ako pinabayaan ni ate glaisa… she still wanted me to be her partner… sobrang nagmadali na lang ako kagad na pumasok noong araw na yon. So nung nandon na ako, naging bonded ulit ako sa block na yun… 5 girls lang sila sa classroom, at 37 boys… malamang naman kasi, eng people tong mga to… sobrang astig kasama tong block to dahil hindi sila mahirap pakisamahan… nabuo pa ang C2 boys ni ate glaisa… hahaha….
The third college that I oriented was in the college of science, block NO5, chem/biochem ang course nila. Actually, biglaan lang itong pag-o-orient ko dito. Dahil nga sa na-late ako, I wasn’t allowed to orient in the college of liberal arts, at pati na rin dito, pero eventually, pinayagan na rin nila ako. Ang partner ko dito non ay si anna… hahaha… hindi kami close ni anna, pero dahil dito sa block na ito, naging close kami at sobrang kulit namin to the extent na sinusuntok-suntok ko na siya sa harap ng orientees namin… laugh trip talaga… tapos, napaka-participative pa ng block na ito… sobrang nanalo kami sa mga contests na sinalihan namin… hahaha…
some pics of makukulit na NO5:
After this activity, nagkaroon kami ng culminating activity… haay… sobrang saya nung nangyari… pero hindi pwede ikwento kasi tradisyon na yun ng lasallian ambassadors… Tapos, nagkaroon ng treat samin ang OSAc, at kumain kami sa shakey’s. syempre, chibugan na to.. Being a lasallian ambassador makes me feel so good… This has been one of the best things I have done in lasalle… sobrang self-fulfillment na lang ang reward nito sa akin…
Anyway, yung ibang mga pics, upload ko na lang sometime…
Ciao!
(shakey's galore)(great taste)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home