Finals/Course Card/Compre/Bakasyon
Haay!! This day marks my vacation for this summer! Wala na akong ibang iisipin kundi pano maging matino ang aking bakasyon… hehehe…
********************************************
Finals Week
April 6 nag start ang finals ko… COMSTA2 at COMLAW2 ang test ko… Honestly, ang finocus ko talaga ay yung COMSTA2… sobrang inaral ko talga to kasi ayoko makakuha ng mababang grade dito. Well, ang COMLAW2 naman, nag-aral rin naman ako pero bahala na si batman… hahaha…
So yun, nag-start na nga ang exams. Tuloy-tuloy ang pagsasagot ko sa COMSTA2… in fairness, ok siya… samantala ang law naman, napraning ako kasi akala ko mahirap, buti na lang, madali lang siya… walang-wala ang accounting standards na law. Hmp.
Sumunod na exam ko naman ay nung FINAMA2. Kinarir ko rin ito, pero san ka, grabeng hirap nung test… Alam mo yung feeling na sana, hindi ka na nag-aral dahil wala naman palang kwenta yung inaral mo… asar…
So, pasaway na LITERA2 naman… akala ko mag-tetest pa ako, buti na lang exempted ako sa finals… yahoo…
****************************************************
Preparation for the WCE (Written Comprehensive Exam) in FINANCE…
Nag-aral lang ako nung April 12-14 para lang sa WCE na ito… I can’t afford to fail this one… may phobia na ako!!! Hahaha… SObrang cover-to-cover ang ginawa kong pag-aaral… kailangan ipasa para maging finance major na ako…
****************************************************
Course Card Day Distribution, April 15, 2005
My first course card that I got was FINAMA2, kasi 8am siya, pero nagpa-late pa rin ako… ang ganda ng approach ni ms. Almonte… “Your finals was bad…” sabi niya. Sabi ko, “yeah miss, nahirapan talaga ako…” and guess what kung ano grade ko? 39/80!!! Yahoo… panalo…
Second card, FINACCT. Wala si miss perez. Secretary lang niya yung nandon.
Third, COMSTA2. I didn’t expect na eto yung makukuha kong grade! Sobrang saya ko… in fairness, final exam result (yung todo kinarir ko): 94% ang grade ko… ang galing talaga… hahaha…
Fourth, MARKETI. Hmmp. Pasaway. Mababa sa inexpect ko… nakakainis.
Fifth, ORIENT2, wala lang.
Last, COMLAW2… dito ako nag bunyi kasi eto yung deciding factor kung mag DL ako this term… and I got the grade para mag DL ako… yes!!!
GRADES: COMSTA2 >>> 3.0
COMLAW2 >>> 2.5
FINAMA2 >>> 3.0
FINACCT >>> 4.0
LITERA2 >>> 3.0
MARKETI >>> 2.5
Grade Point Avg. 3.000 >>> 2nd honor dean’s lister
************************************************
Written Comprehensive Exam, April 16, 2005
The final judgment day… lahat ng inaral ko ay dapat mai-apply ko na… well, 830 am nag start yung exam… honestly, tapos na ako by 9:30am. Pero, para sobrang sure na talaga, inulit ko ulit mula simula… natapos ako ng 11:00am dala ang pag-asa na pumasa… bad trip dahil inanounce din nung araw na yun na sa April 18, 2005, 2:00pm pa ang labas ng result… oh well, wait na lang until that day…
Dito nga rin pala sa araw na ito ginanap ang General Assembly of Lasallian Ambassadors after ng 2nd deliberation… buti na lang naka-survuve ako sa 2nd deliberation… makakasali na talaga ako sa LPEP 2K5!!! So anyway, nag-GA nga kami pero wala na akong naabutan… puro games nalang sila… at nasaktan pa kami ni besbes dito dahil kay jr… pasaway makipag-laro…
After namin don, kumain kami sa mcdo... after that, nakita ko sina beni at paner... pupunta daw sila kay bossing jm kasi nga na-ospital. sumama na lang ako... at ang maganda dito, adventure kaming 3 nina beni at kristina... hahaha... si kristina, aka barbara ann gatbonton ay isang malaking pasaway. pagdating namin kina jm, wala lang, computer kain, tambay tsibog then uwi... hahaha...
**********************************************************
Posting of results of WCE, April 18, 2005
pumunta ako sa lasalle kanina to see the results nf WCE... I PASSED!!! hahaha... ang sarap ng feeling na nakapasa ka sa ganon... haay... sa wakas, MFI major na ako... and blessing talaga na naging MFI ako... hehehe... so ngayon, sobrang bakasyon talaga...
thanks talga to God for helping me this last few days... swerte talaga ako sa kanya...
ciao!
1 Comments:
Congrats Arnel, DL!
1:44 AM
Post a Comment
<< Home