Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Thursday, April 28, 2005

residency.. birthday/party.. snatcher..

haaaay.... eto na naman ako... wala pa ring magawa ngayong summer...

i went to lasalle last april 27... at as usual, wala na namang trabaho para sa shift ko... buti na lang at bonding session kami ng mga co-lasallian ambassadors... may residency kasi kami, and we have to do some stuffs in preparation for the LPEP... hay, sana dumating na kagad yung time na yun to meet the new froshies... hahaha...

so after i did the work, (oo, may natrabaho pa rin naman ako kahit papaano) may pictorial ang tapat for the tapat core... in fairness.. sobrang laugh trip lang kasi si simon, sobrang patawa ng patawa... ok yung pic... i'll try to post it some other time...

after the pictorial, i went straight home kasi we (tita, nanay, ka-tropa and me) were going to carmona, cavite kasi my cousin, kuya rowel, has just graduated in UP Diliman with a degree in political science... isa siya sa mga matatalino sa angkan namin... nag-byahe lang kami papunta... pagdating don, kain lang kagad.. masarap ang food... tapos usap lang sa kay ate cheche, and her boyfriend, tapos kay teph, the gf of the bday boy at sa iba pang ka tropa... we left carmona at past 12am. then tulog...

kanina, late na ako nagising... and all i did this day was to take care of my pamangkins... hay. this was the funny part of the day... inutusan ako ng nanay ko to bring something in our neighbor... while i was walking, i saw someone, running na may dala-dalang bag. sabi ko sa sarili ko, "mukhang magnanakaw to ah!" then, i saw someone ulit, hinahabol yung lalaki. sabi sa akin, "magnanakaw yan" alam nyo ginawa ko? W-A-L-A. hindi ko alam gagawin ko kung babanggain ko ba yung magnanakaw o makikitakbo din ako... hahaha... tapos, nakita ko na lang na madami ng humabol sa kanya para pigilan sya. labo ko no? eh kung balikan ako non? e d may serial killer pa ako ngayon na maghahabol sa akin... yung snatcher palang yun, loko-loko yun... as in may problema sa pag-iisip... haha... nice decision for the day arnel...

so eto na naman ako ngayon sa computer... hanggang mamaya na namn to... can't wait sa teambuilding sa saturday... akala ko hindi na tuloy... buti na lang tuloy pa to... hahaha...

sige, dito muna! ciao!

Monday, April 25, 2005

what happened these days...

haay... so booooooorrrrrrinnngggg....

anyway, wala akong ginawa kundi mag internet... always to, from 1030pm to 230am... nag start sya nung april 20...

buti na lang ngayong monday pupunta na ng skul... sa wakas...

ano ang trend sa akin ngayon... hmmm...

mito dizon, our executive treasurer in the student council of the de la salle university-manila texted me and said that i will be the services chair and the head of the student council assistance fund. mejo hebigat tong work na to... pero i accepted this and i will do all my best para magampanan yun... basically, all i know sa SCAF is that we will give loans to students which are 0% interest. astifg di ba... pang estudyante talga... mag mimiting palang kami...

and then, i went to lasalle kanina to pass the photocopy of my course cards for the lasallian ambassadors... mejo busy na ang iba don... tomorrow pa ang residency ko eh. then i went to the tapat execom meeting which was held in V501.. mejo lang... mt. velasco yun...

at 1pm, i went to the SC office to meet with the business and economics assembly, which was presided by our very own tapat leader, cara suarez. she informed me that i will be the assistant vice-president for academics of the college... (mukhang napasubo na naman ako...) but, what the heck, i like the job... so i accepted it... and my first project for my position is the teachers award which will be held every term to award professors that the students think he/she is the best during that term...

ok arnel, mejo lang... umaapaw na naman ang extra-curricular mo... OTREAS, BEA, LAmb, TAPAT, college volleyball, atbp... mukhang madadagdagan pa ito... wait, sangguniang kabataan pa pala...

bwaahha... kaya ko to!!!

tapos, may ibang side trip din pala kanina, kasama ko si besbes revie at daldalan lang about her boys... hahaha... and then we went also to providence tower at doon nagkakakanta... videoke!!! kami nina gracielle, kar, bossing jm, ej and tesa... hahaha... buti na lang hindi umulan sa taft dahil sa mga kanta namin.... hahaha... ok ang kinanta ko? wherever you will go by the calling, ka-duet pa si bossing jm. meron nga rin pala kami ni kar, i forgot the song, pero in fairness, ang taas ng score... hahha.. laugh trip.

dito na lang muna!
ciao.

Thursday, April 21, 2005

Habemus Papam...

finally, we have a new pope... i hope he'll do great like what pope john paul II did during his term...

Image hosted by Photobucket.com
POPE BENEDICT XVI
(Joseph Cardinal Ratzinger of Germany)

Monday, April 18, 2005

Finals/Course Card/Compre/Bakasyon

Haay!! This day marks my vacation for this summer! Wala na akong ibang iisipin kundi pano maging matino ang aking bakasyon… hehehe…
********************************************
Finals Week
April 6 nag start ang finals ko… COMSTA2 at COMLAW2 ang test ko… Honestly, ang finocus ko talaga ay yung COMSTA2… sobrang inaral ko talga to kasi ayoko makakuha ng mababang grade dito. Well, ang COMLAW2 naman, nag-aral rin naman ako pero bahala na si batman… hahaha…
So yun, nag-start na nga ang exams. Tuloy-tuloy ang pagsasagot ko sa COMSTA2… in fairness, ok siya… samantala ang law naman, napraning ako kasi akala ko mahirap, buti na lang, madali lang siya… walang-wala ang accounting standards na law. Hmp.
Sumunod na exam ko naman ay nung FINAMA2. Kinarir ko rin ito, pero san ka, grabeng hirap nung test… Alam mo yung feeling na sana, hindi ka na nag-aral dahil wala naman palang kwenta yung inaral mo… asar…
So, pasaway na LITERA2 naman… akala ko mag-tetest pa ako, buti na lang exempted ako sa finals… yahoo…
****************************************************
Preparation for the WCE (Written Comprehensive Exam) in FINANCE…
Nag-aral lang ako nung April 12-14 para lang sa WCE na ito… I can’t afford to fail this one… may phobia na ako!!! Hahaha… SObrang cover-to-cover ang ginawa kong pag-aaral… kailangan ipasa para maging finance major na ako…

****************************************************
Course Card Day Distribution, April 15, 2005
My first course card that I got was FINAMA2, kasi 8am siya, pero nagpa-late pa rin ako… ang ganda ng approach ni ms. Almonte… “Your finals was bad…” sabi niya. Sabi ko, “yeah miss, nahirapan talaga ako…” and guess what kung ano grade ko? 39/80!!! Yahoo… panalo…
Second card, FINACCT. Wala si miss perez. Secretary lang niya yung nandon.
Third, COMSTA2. I didn’t expect na eto yung makukuha kong grade! Sobrang saya ko… in fairness, final exam result (yung todo kinarir ko): 94% ang grade ko… ang galing talaga… hahaha…
Fourth, MARKETI. Hmmp. Pasaway. Mababa sa inexpect ko… nakakainis.
Fifth, ORIENT2, wala lang.
Last, COMLAW2… dito ako nag bunyi kasi eto yung deciding factor kung mag DL ako this term… and I got the grade para mag DL ako… yes!!!

GRADES: COMSTA2 >>> 3.0
COMLAW2 >>> 2.5
FINAMA2 >>> 3.0
FINACCT >>> 4.0
LITERA2 >>> 3.0
MARKETI >>>
2.5
Grade Point Avg. 3.000 >>> 2nd honor dean’s lister
************************************************
Written Comprehensive Exam, April 16, 2005
The final judgment day… lahat ng inaral ko ay dapat mai-apply ko na… well, 830 am nag start yung exam… honestly, tapos na ako by 9:30am. Pero, para sobrang sure na talaga, inulit ko ulit mula simula… natapos ako ng 11:00am dala ang pag-asa na pumasa… bad trip dahil inanounce din nung araw na yun na sa April 18, 2005, 2:00pm pa ang labas ng result… oh well, wait na lang until that day…
Dito nga rin pala sa araw na ito ginanap ang General Assembly of Lasallian Ambassadors after ng 2nd deliberation… buti na lang naka-survuve ako sa 2nd deliberation… makakasali na talaga ako sa LPEP 2K5!!! So anyway, nag-GA nga kami pero wala na akong naabutan… puro games nalang sila… at nasaktan pa kami ni besbes dito dahil kay jr… pasaway makipag-laro…

After namin don, kumain kami sa mcdo... after that, nakita ko sina beni at paner... pupunta daw sila kay bossing jm kasi nga na-ospital. sumama na lang ako... at ang maganda dito, adventure kaming 3 nina beni at kristina... hahaha... si kristina, aka barbara ann gatbonton ay isang malaking pasaway. pagdating namin kina jm, wala lang, computer kain, tambay tsibog then uwi... hahaha...
**********************************************************
Posting of results of WCE, April 18, 2005
pumunta ako sa lasalle kanina to see the results nf WCE... I PASSED!!! hahaha... ang sarap ng feeling na nakapasa ka sa ganon... haay... sa wakas, MFI major na ako... and blessing talaga na naging MFI ako... hehehe... so ngayon, sobrang bakasyon talaga...

thanks talga to God for helping me this last few days... swerte talaga ako sa kanya...

ciao!





Tuesday, April 05, 2005

Meet my new besbes and bes...

"True friends are those who are there for you unconditionally.
Never do they question, but always offer support no matter what the circumstances are.
Best Friends are the people worth living for."

wala lang... i saw this picture na matino kaming dalawa... hehehe...

Image hosted by Photobucket.com

meet the girl at my right! revie anne serrano! she's my new besbes... hahaha... siya na ang maaasahan ko kung kailangan ko ng advice about life... at ganon din ako sa kanya... lagi ko na rin siya kasama palagi... remember ako anghel mo? hahaha... lagot sa akin aaway sayo... mumultuhin ko... hehehe... besbes for life kami niyan... di ba revie? thanks revie... dapat may pic tayo na maayos... hehehe...ingat palagi besbes...

oo nga pala, kailan kami naging mag besbes? march 30,2005

oh... and i will not forget nga rin pala ang aking bes naman (kanina besbes)...

Image hosted by Photobucket.com

meet christopher ngo! hahaha... he's the one in the left... pasaway tong taong to... tanungin nyo na lang ako kung pano ko to naging best friend... ang bait-bait kasi eh! anyway, mahilig siyang magbato ng jokes na ewan ko ba kung tatawa ako or what... pero recently, nare-realize ko na cool pala tong tao na ito. sobrang dedicated sa work at magka pareho kami ng ugali sa pagiging obssesive-compulsive! bes ko nga siya... hahaha...
kailan kami naging mag bes? march 21, 2005

oh, by the way, si jielene sato yung katabi niya... they are both tapat leaders... siyempre, iba ang TAPAT eh...

ciao...

Goodbye... Pope John Paul II...

Well, I feel so really bad this days… it’s because Karol Wojtyla, better known as Pope John Paul II passed away. He died last April 3, 2005, 3:37am (Manila time) at the age of 84.

Image hosted by Photobucket.com

I really don’t know much of him. Honestly, he was just a “pope” for me, meaning to say that he’s just like an ordinary pope. Also, I didn’t get bothered when while I was watching the news, reports showed that he was sick.

I remember telling my friends, “kung kagustuhan talaga ni God na kunin siya, kukunin talaga siya…” well, I was stupid then.

But the moment he died, I felt really unease. I wanted to watch TV if the news told by my sister that he died was true. Unfortunately, the cable was in brownout because of the meralco thingy… I have to wait until 4 pm to watch it.

And yes, it was really true. He was there, lying inside the church in Vatican, viewed by the people in Vatican… I don’t know how I feel but I wanted to cry… I felt so sad when I saw him. To add more to my grief, I learned the things he accomplished during his term as the pope, and it made me wanted to return him to life, but as we all know, we can’t do it.

Hah, stupid arnel… “kukunin talaga siya ni God…” yan nga, kinuha nga siya…

Knowing more about Pope John Paul II gives me more inspiration now that there is still hope for mankind. There is still a chance that people on earth will still be united. I’m so delighted to hear that even Muslims, Atheists, and other Non-Catholics mourn for Pope.
There is still the chance…

I hope that Pope John Paul II touched our hearts in so many ways. May he guide us in everything that we do and tell God and Jesus to forgive us in our sins… I hope that all people will pray for him, in his new journey, after life.

Image hosted by Photobucket.com

IDOL!


Sorry kung mejo madrama, pero sobrang nanghihinayang talaga ako… I thank God for giving us a wonderful person, in the persona of Karol Wojtyla, better known as POPE JOHN PAUL II.