Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Friday, December 30, 2005

"ooh there's a lubak-y thing!"

its christmas time once again. and pag christmas, isang lugar lang ang aking pupuntahan. probinsya. sa indang, cavite. In here, all the feraer family gathers for a reunion. dito ko nakikita ang sandamakmak na mga pinsan ko at mga tito't tita ko... talagang madami kami dito. ang sisipag kasi ng mga lolo't lola namin eh. hehehe...

nothing special naman. as i have said in the previous blogs, masaya siya kung bata ka. pero pag nasa teenager stage ka na parang wala lang... i got a girly alarm clock from my cousin (hindi mo kasi alam kung sino yung reregaluhan mo, dapat unisex ang gift mo), well it turned out na yun nga so binigay ko na lang kay nanay.

after the reunion, i together with my first cousins had an inuman. imagine we went to the town's "bayan" kasi nga probinsya so nandon lahat ng mga markets. thank goodness kuya allen, my cousin, was still awake so nakabili pa kami. heehe... langya, nakailang baso na ako ng red horse, yet hindi ako nalasing. sila lasing na ako hindi pa, ako na lang umubos nung iniinom namin... tapos tulog. hahaha...

after the indang christmas, i together with my cousins here in las piƱas went to baywalk. wala lang.. mejo tambay tambay lang. nakinig sa mga laughtrip jokes ng mga stand up comedians, mang asar ng mga tao, at kumain ng inihaw na pusit (yum yum!). pinatay lang talga namin ang oras. then mga 1am uwi na rin kagad.

so eto naman, ngayong december 28-29, nagpunta kami nina beni, kc, steph, nyx, peter, ticky, enzo at ako sa latian, marilao, bulacan. ang plano: swimming, chillax, movie trip and of course mawawala ba to, inuman. so yun, i met ticky at alabang town center so that we can go to lasalle. hintay lang si steph then alis na. eto nga pala yung catch sa trip namin. 1. ticky's car is not yet registered so bawal siya ilabas sa kalsada. 2. ticky's wallet got lost at nandon yung license nya so meaning to say, bawal siya mag drive. ok fine. isip ng paraan. ang solution sa 1st ay tinakpan ni ticky ng advertisement yung sticker ng 2004 para di mahalata. naging effective naman to kahit papaano. solution sa no.2 kung 3 ang nag drive sa kotse, at ang una don ay si nyx. hahaha

ayos si nyx, magaling pero praning tlga sa daan.. hahaha... grabe nakakhilo yung init non. sinundo nmin si peter sa west ave. at pagdating don, siya na yung nag drive. imagine this. 7 na kami sa kotse at ang kotse nga pala ay nissan sentra. so end result? ayon, ang gulong at hood ng kotse ay tumutunog na dahil mabigat kami. laugh trip tlga.

so bakit ganito ang title ng blog ko. its because of the kapraningan ng may ari ng kotse who is ticky. we can really say that this is tick'y moment kasi nga sa mga pinaggagawa nya. hahaha. nung mejo nagsisiksikan na at di mejo kailangan tlga sobrang bait sa daan,. may madadaanan na kami na lubak. out of nowhere ticky said, "ooh.. there's a lubak-y thing!!" and we were like "what did you say?" hahaha... pasaway tlga. we met kc sa may kanto somewhere and then punta sa haus nila para kumain. after kain, punta na sa place.

so yun nga, nasa resort na kami. ok yung place, sobrang nature tlga. one big frustration na aming nalaman kagad ay hindi kami makakapagswimming. fine pwede magswim pero sige kasama mo mga palaka at ang mga tiles di mo makita. ewwwness... hahaha. so we decided to watch movies nalang at mag inuman. we watched exorcism of emily rose, at hindi naman siya nakakatakot. ika nga, "nakaka-inspire pa maging lawyer dahil ang gagaling ng mga lawyers don.." hehehe.

ok fine. this is it. the wasakan has begun. again the official motto is: "lactum: inom lang ng inom" hehehe... this was my before lasing picture:

Image hosted by Photobucket.com

and of course... sino nga ba ang manlalasing sa amin kung hindi ang silent killer ng tapat dahil sa kanyang mga drinks. si el presidente.

Image hosted by Photobucket.com

so ayan, ang mga ininom ay gin-pom, gin-pine, coke-rhum-gsm blue, extra joss-gin, atbp. hay naku. bahala na lang. hahaha.

Image hosted by Photobucket.com
hala sige... inom lang ng inom... bahala na... may tutulugan ka naman eh! hahahah...

so yun... after maka ilan na kami... ayan na... lumalabas na ang mga tunay na kulay... mga lasing na ang mga tao... and as i have said, this was ticky's night. hindi na alng ako maglalabas ng mga pics masyado kasi "what happened in bulacan, stayed in bulacan" BWAHAHAHA...

Image hosted by Photobucket.com
ok fine, mejo eto na kami ni ticky nung nakainom na. wala kaming ginawa ni ticky kung hindi mag-away kasi siya ay jologs because of 3 things. ako daw jologs kasi alam ko yung time schedule ng gma7 at alam ko ang mga pangalan ng characters ng etheria. hahahhaa...

Image hosted by Photobucket.com
the ultimate pasaway picture. bangag na tlga si ticky dito and kami ni beni, we just decided to pose for our "attack mode" posture... hahahaha.... mga pasaway tlaga! hahaha...

so yun, nagising na kami 1130am na at pumunta ulit kina kc para kumain. syempre bawi ulit sa pagkain, nagutom eh. hahaha.. tapos uwi na rin. on the way, nagkamali kami ng decision sa lane papuntang alabang dapat but we ended in pasay. so ayun traffic sa coastal. bwiset tlaga. then hatid kay enzo, punta atc kina jenn...

haay.... pasaway moments talaga tong mga to. sobrang sana maulit ulit to... hahaha... we called this a sin overnight. hehehe sobrang nakakatawa na lang tlga...

shet 2 araw na lang 2006 na... happy new year na lang sa lahat!

ciao!

Saturday, December 24, 2005

why... pasaway...

i got this from reyia...layout nya and words from chastine... pasaway...

Image hosted by Photobucket.com

haaay... "i think i'm really in love..." hindi lang think... totoo na talaga... mahal na mahal na tlaga... hehehe...

Thursday, December 22, 2005

my 8th course card day and other happenings...

gusto ko kumanta in the tune of pasko na naman... "course card day na naman... o kay tulin ng araw.. course card na nagdaan tila ba kung kailan lang..." totoo naman eh... ang bilis talga.. dati nagloloko lang ako sa tapat friends ko na "shet.. 1 week down, 13 weeks to go" ngayon course card na talga... haaay...

so many happenings on this day... 1st stop: christmas salu-salo... eto yung unang trabaho ng mga nakapasa sa lasallian ambassadors... its my 2nd year na bale to do this at i can say na tumaas na ang rank ko.. hahaha... from kargador-supplier mode, ngayon producer na ako. sa amin na lang kung ano ibig sabihin non.. basta gumaan ang trabaho ko...hehehe... dito, may nakilala akong bagong friends.. si jasper at si aldrich. ehehe... para kaming mga kusinero dito. ayun, wala akong ginawa kung hindi dumukot ng pagkain. hahaha... wala din kaming ginawa ni andrew dito kung hindi magdaldalan. sablay nga lang tlga ako kasi hindi ako nakakain masyado kasi umaalis ako for course card. ayun, naubusan ako. ang bilis nawala eh... pero astig na din kahit papaano.

Image hosted by Photobucket.com wow ang dami ng food... 1 table pa lang to...

Image hosted by Photobucket.com syempre di mawawala ang picture taking...



2nd stop: course card distribution. fine. sige kwento na about cors card...

RELSTRI was the first in line para kunin. 8am kasi siya. so after ko mag simbang gabi, at kumain ng saglit, byahe na kagad papuntang lasalle para kunin ito. grrr... hindi ako natuwa sa bigay ni sister marave sa akin. hindi ko alam kung ano ang naging basis nya. "tinaasan ko na lahat grades nyo" so ano ibig sabihin nito? mababa pa tlaga kami? grrr. umalis na lang ako kagad.

2nd cors card was BUSIPOL. this really pissed me off dahil ang baba ng nakuha namin esp. sa papers... waaaah.. sobrang sleepless nights kami sa subject na ito and then ganon yung nakuha namin nina nyx? waaaaaah. well. as i have said, busipol is the most educational subject in cbe yet it is the most hassle subject also because of the paper works. haaaay.

3rd was FINQUAM. late si sir edward pero still i got what i wanted. yun naman yung inexpect ko. natuwa lang ako sa grade namin sa final paper kasi 3 hrs lang namin siya ginawa and we got 26/30... woohooo. not bad! hahaha.

4th and 5th cors cards were FINVEST and FINTREA. magkasabay kasi siya eh. im so happy sa finvest kasi i got the grade i wanted. may note pa si sir na, "very good. very consistent after a so-so quiz 1" hahaha.. bagsak kasi ako nung quiz 1 nya tapos bawi nalang kagad... fintrea naman laugh trip kasi nagkamali ng sulat si sir araneta. i joked around, "sir, am i seeing something like the number 4?" sabi ni sir, "wag ka na magbalak pa mr. cosme, yan talga yan.." hahaa.. tawa tlga ako ng tawa...

6th cors card, QUATECH. the deciding subject whwetheri will be a dean's lister or not. so yun, sobrang tensed na ako. naka cross fingers na ako buong time. when i got the card, nalungkot ako kasi 3.0 lang nakasulat. waaaaaah! di ako DL... pero nagbakasakali ako.. i waited till everyone left. i asked dr. badillo, "miss, bakit po 3.0 lang grade ko?" and she was like, "hmm.. o cge, tingnan natin... o ayan o, 3.5 ka naman ah" ako naman, "ahhh talaga miss? eh bakit po sa cors card 3.0 lang? sabi ni miss, "ah, nagkamali lang ako, pero ok lang kasi di naman proof na yan talga yung grade mo di ba so kahit mali sa cors card, DL ka pa rin..." wahahhahaha! coolness!

so eto yung nging grades ko. a glorious 2nd term for me...

busipol = 2.0; relstri = 3.0; finquam = 3.0; finvest = 3.5; fintrea = 3.0; quatech = 3.5; GPA = 3.000

bwahaha... sabit kalawit. pero wala akong pakialam. DL pa rin ako! whahhaah... thanks to god dahil natupad yung wish ko! hahaha.

3rd stop: LAmb christmas party at waldo perfecto seminar room... so yun nga. bali turn over ceremonies din to for us kung saan, pinapasa na ng dating core ang kanilang posisyon sa bagong core. it was also our oath taking and contract signing para sa LAmb... tapos yun.. games, kainan (favorite part), daldalan ulit with boni and andrew, atbp. tapos exchange gift sa huli, at ang nakuha ko ay gel from joan so... hehehehe.... laugh trip ang nakuha nina andrew at reagan. si drew, medyas, kaya lang pambabae.. hahahaha.. si reagan, panali sa buhok na pambabae... hahaha... mga pasaway ang ibang lamb... di man lang inisip na dapat unisex ang bibilhin nilang regalo... hahahah...

here are the pics.. (thanks to jordan) more to come hopefully...

Image hosted by Photobucket.com Lasallian Ambassadors 2k6: camwhores... hahahahaha...

Image hosted by Photobucket.com the beautiful ladies of the CORE of lasallian ambassadors... go besbes! hahaha...

Image hosted by Photobucket.com shet bakat parang ang laki ng tiyan ko dito.. hindi malaki tiyan ko! hahaha...

after that, meet naman with tapat people na nag iinuman sa green place... hahaha.. mejo pinagbababato lang naman ako ni beni at sinampal pa ako ni cals... so masaya di ba... hehehe... after that.. uwi na rin...

so yun... escapades ko ng december 20. 5 more days to go bago mag pasko. at every year nasa indang kami para sa feraer family reunion... haay... honestly, di ko na masyado feel yun... hehehe... o siya, i'll post na lang ulit for updates... tagaytay na lang daw ang tapat eh.. di na ilocos.. sayang...ehehhe

merry christmas!!! ciao!




Wednesday, December 14, 2005

hell week = finals week =(

haaaaay... hasssssssle talaga! bakit ba sa tinagal-tagal ko sa lasalle, lagi na lang kapag finals week na... hell week talaga... ang masakit pa dito, lagi na lang sabay-sabay ang deadline...

rundown ng mga kailangan gawin:
1. BUSIPOL final paper
>>> financial ratio analysis, strategic group mapping, 2 matrices (TOWS matrix at GSM)
2. QUATECH project paper
3. FINQUAM stuff
>>> problem set no. 2 at final paper
4. RELSTRI
>>> temperaments, case analysis
5. FINVEST
>>> dummy portfolio

Buti na lang, final exams ko ay 4/6 as compared to last term na 6/6, namely, QUATECH, FINTREA, FINVEST, BUSIPOL.

haaaaaaaaaaaay! pinaka hassle sa lahat ay BUSIPOL... ok na sana yng subject... hassle yet educative... ilang araw na ako puyat sa mga papers na to...

sige... konting araw na lang, tapos na tong term na to... konting tiis... sana maging dean's lister ako...

update na lang ako siguro sa course card day distribution.

sige. ciao.

Monday, December 05, 2005

inuman.. quizzes... lovelife... sea games... etc. etc.

its been a while since i last posted... well, nothing happened really this past few days... same rituals... tambay, aral, umuwi ng late, magbabad sa YM... hehehe...


Image hosted by Photobucket.com



waw... the 23rd southeast asian games really makes the philippines so busy nowadays... nag-start siya noong november 27 and from that day on, sinubaybayan ko na lahat ng games nito.. at isa pa, sobrang nanghihinayang din naman ako kasi, hindi ako nakapag volunteer as a liason officer... ayan, mejo iniinggit ako ngayon ng mga kakilala ko na L.O... pero ok lang.. i think i made the right decision naman eh...


Image hosted by Photobucket.com


picture nung opening ceremonies...

sobrang intense ang laban... mejo controversial nga lang kasi ibang klase nga naman ang philippine team dito, sobrang lamang sila from day 1 up to now.. at pakiramdam ko, sila na ang over-all champion dito sa sea games... as of 10pm, dec. 4, 2005 mejo 114 golds, 82 silvers, 91 bronzes na ang napalunan ntin... at mejo malaki ang lamang natin sa thailand... ibang klase talga... ika nga ng globe, "basta pinoy. posible" astig talaga tong marketing strategy na to... hehehe...

yung sobrang inabangan ko na sport dito ay volleyball dahil sobrang powerhouse ng line up nila... pero sa 2 games na napanood ko, versus thailand at vietnam, mejo tinalo lang naman tayo..hahaha.. pero ok lang.. proud pa rin... even my leap teacher japoy lizardo won the gold medal in taekwondo.. ang galing di ba.. at syempre yung iba pang pinoy.. ang nakakatuwa sa ganito, nakaka-inspire siya.. yung tipong amidst the problems facing the country, eto sila, na nagsisilbing hope for the filipinos.. hehehe.. ewan, pero i feel proud talga..


Image hosted by Photobucket.com


^^kakaibang mascot to.. astig... hehehe

so yun, as i hav said, dahil last week na ng giving of quizzes, mejo ang daming quizzes talga.. nung tuesday, finquam at finvest.. at nung friday ay busipol at quatech.. haay.. hassle.. buti na lang tapos na.. at sana makakuha ako ng mataas sa mga ito...

nun wednesday, november 30, we watched sea games sa rizal... ang napanood ko, baseball, gymanstics at athletics. ang nakakainis dito, akala namin nakapanood na kami ng golden moment ng isang kababayan natin... pasok ang kasabihan sa kanya na, "ginto na naging bato pa" hehehe... pero ok lang yun... panalo pa rin namn tayo eh...

ok.. come friday, mejo nag inuman na naman kami sa green place... at nalasing na naman ako dito... langya kasi yung timpla ni beni... parang juice lang pero naman ang impact... ayon.. usually, pag naka-barf na ako, ok na ako.. pero not this time... dahil kahit na nagawa ko na yun, ayon, hilong-hilo parin ako.. .hahaha... pero ok lang.. sarap ng feeling eh...hahaha... stay muna kina beni's place.. inom kape.. tapos ok na.. hahaha... ang lupit talga...

lovelife... hmm... astig pa din.. pero yung kinakatakutan ko ay nangyari na... pero wag sana matuloy yun... kasi aalis din naman siya... paaasahin lang nya siya... nandito naman ako para sa kanya eh... haaay... miss na kita...

o siya.. dito na muna... next post ko siguro before christmas na or basta bahala na... hehehe... ciao...