Life today is so unpredictable. Sometimes, pinupuri ka because you are great, sometimes masama tingin sayo kasi hindi mo na-meet yung expectations nila. Naghihirap ka nga pero wala namang nakaka-appreciate... well, that's life... sakyan mo lang yan...

Thursday, September 29, 2005

recent updates sa buhay ko...

Tagal ko nang hindi nakakapag update… sa wakas, nagkaroon din ako ng time para gawin ito… haay… recently, ok pa naman ako… back to regular school days na talga… we had our 1st quiz kahapon sa quatech (na mejo pinagbaligtad ko yung contributions ng 3 scientists) at ang super dali na quiz namin sa relstri.. woohoo.. sana tuloy-tuloy lang to… at sana walang mahirap pa… hehhehe

*********
UAAP update…

My recent post about UAAP was about our win over ateneo during the elimination round…and after that…

DLSU vs UE, September 18, 2005
Hahaha… eto yung rematch nung game na dapat ay panalo na talga tayo kung hindi dahil sa mga bias na technical committee ng UAAP board… pero, at least, we are given the chance to fight fair and square… and so we did.. .we won with a score of 79-67, making us automatic no. 2 in the standings with a twice-to-beat advantage…bwhahaha…

FINAL FOUR: DLSU vs ADMU, September 25, 2005
Apparently, sila rin naman pala ang makakalaban naming sa final four… magaling ang ateneo sa 1st half… pero rumatsada na ang green archers sa 2nd half courtesy of course nina yeo, arena, tang atbp…hahaha… we won, 74-57… this has been a remarkable year again for us kasi we deserve that win against ateneo and san ka pa, we have just beaten them 3 times during this season at puro tambak lahat… hahahah…

So ngayon, nandito na tayo, at eto na ang pinaghahandaan natin:

Image hosted by Photobucket.com

At ito ay magaganap na mamaya sa ganap na 4pm… I can’t come to araneta kasi I hav a FINVEST class at 6pm… unless i-cancel din nya ang classes, wala akong aalahanin… woohooo…. God bless lasalle… pumusta ako na kayo mananalo… its because we keep the faith, we still believe , ANIMO LASALLE!

************************************************************************************

GMA anti-rally sa ayala avenue, September 21, 2005
Wahhaha… yeah, this is the first time that I attended a real rally… a rally that u can hear many voices screaming, “Gloria arroyo, pekeng pangulo! Pekeng pangulo, Gloria arroyo!” whoa… madaming tao… nagulat talga ako…
It started off when we in Tapat were informed about the rally… this was also participated by the student council of lasalle and also the polsci society in lasalle also… we were briefed by aikee esmeli, former vp-activities and vp-operations in the SC that the meeting place was in ayala corner paseo de roxas… he informed us na baka magka-dispersal, so dapat alert kami sa mga kasama naming…
So nung nandon na kami, eto yung nadatnan namin: (thanks to arden for the pics)
Image hosted by Photobucket.com
Maraming flags ng iba’t ibang anti-gloria rally ang lumilipad sa himpapawid ng makati..

Image hosted by Photobucket.com
Eto naman yung iba sa mga kasama naming kapwa estudyante para ipaglaban ang katotohanan…

Image hosted by Photobucket.com
Eto nga pala yung “agaw agimat.” Astig tong banda na ito dahil napaka-native ng tunog nya kaya astig talga… wala ng mas tatalo pa sa banat nya for Gloria… hahaha… ang laki-laki ng **** mo! Hahahahaha….

So yun, sa tinatagal tagal ng pagtatago ko sa camera dahil baka makita kami sa TV, natapos din ang rally na iyon… langya, umakyat pa kami ng stage para kumanta ng “bayan ko.” takot na takot ako non baka nakita ako… hahaha…pero buti na lang walakami sa mga news… hahaha…

After the rally, napag kasaunduan ng grupo na kumain… pero I wasn’t expecting na kakain kami sa “gerry’s grill.” Hahaha… tawa kami ng tawa dahil pagkatapos nga naman mag rally eh sabay kain sa isang restaurant… ehhehe… so yun… lamon literal talga ang ginawa naming dito… sobrang ang sarap lahat ng inorder naming… hahaha… thanks to melody dahil dito! Hahaha…

Image hosted by Photobucket.com
Eto yung isang side kung nung wala pa masyadong order…

Image hosted by Photobucket.com
Overflowing na ng pagkain… o Andrew, dahan dahan sa pagkain… hahaha…

So yun, after that umuwi na rin kami na parang wala lang nangyari…minsan, iniisip ko na oo, may sense ang pagpunta naming dahil alam ko na kailangan talga malaman ang totoo… may paninindigan kami… pero yung ibang tao don sa rally, parang wala lang… sila yung tipong nahatak lang yata para makasama don at masabi na madami ang nagrally… haaay… sana alam nila ang kanilang ipinaglalaban…

At buti na lang pala, wala don si susan roces dahil ayoko siya makita… at least, nandon yung mga hinahangaan ko na mga congressmen at congresswomen like Cong. Francis Escudero and Congw. Darlene Santos yata yun… basta astig silang 2…

This has been another great experience for me… imagine, joining those groups that fight for truth and justice was worth it… this is what tapat teaches you… to stand by our principles and never compromise them…

O siya, dito na muna ang balita about me…

Ciao!

Saturday, September 17, 2005

the best ka talga araña!! the best talga lasalle!

whew! who would have thought na tatambakan lang ulit ng lasalle ang ateneo? hahahaha... ok.. modesty and humility aside, we won! 72-55! hahaha... i cant watch at araneta so sa school na alng ako nanood... buti na lang simoun, our vp-activities in the SC had set up a big screen so that lasallians can watch the game... may class kasi ako majors ng 6-730... hahaha.. with this win, it gives us the chance to get the twice to beat advantage if we win tomorrow sa mga "malapit-sa-UAAP-board" na university of the east... i know kaya ng lasalle yan.. i never lose hope.. keep the faith..

sana panalo tayo bukas...
animo lasalle!

and by the way.. sino pa ba ang tatalo sa ginawa niya noong thursday! wala! hahaha!
Image hosted by Photobucket.com
sayaw ryan... sayaw ryan... sayaw ryan...

and btw, i want to congratulate dlsu pep squad for a wonderful performance... i love that fancy drill... napaka-unique nya for a cheerdance... hahaha... sayang nga lang na we didn't win... tanggap ko na laging ust and up ang 1st and 2nd pero hindi ko tanggap ang feu... hmp. hahaha...



Monday, September 12, 2005

im back... and its the start of a new term!

i survived...

ok na ako... after a long and boring term break (long kasi nahahabaan na ako sa 2 weeks na wala kang ginagawa sa bahay) balik na ako sa dati kong ginagawa... well, hindi pa pala lahat... kasi limited pa rin ako... bawal pa masyado maging malikot kasi inaalagaan ko pa ang ilong ko dahil nasa healing stage pa lang ito...

madali lang yung operation... i was asleep (malamang) and the operation took 4 hours... paggising ko, para na akong elepante na may tubo sa ilong para makahinga ako... ilang araw din ako nagtiis don.. nakakahilo kasi.. siguro epekto na rin nung anesthesia na unti-unti nawawala...

ilang beses din ako pabalik-balik ng ospital pra unti-unti alisin yung gauze pad na nasa ilong ko... well, i dont know the hell naipasok yung gasa sa kaloob looban ng ilong ko... all i know is that masakit yung process ng pagtanggal.. pakiramdam ko pati yung utak ko hinahatak na rin ng doktor... yun lang yung masakit na part... tiniis ko na lang para matapos ko na rin kagad...

so now... start na ng new term.. and i was so excited kasi at least meron na akong gagawin... and now im determined to get high grades with what became the outcome of my 1st term katamaran:
FININTE - 4.0
FINBANK - 2.5
FINTERM - 1.5
POLIGOV - 3.0
BUCOTAX - 2.0
ECONTRI - 1.0

yeah... i survived din that menacing econtri.. all this time i thought im going to fail that subject... thanks to god, for giving me the strength and courage, i got a high grade during the 3rd long exam and maybe a good fight during the final exam... haaaay... what a relief!

so 1st term has come to an end... this means that i only have 3 more terms before i graduate! wooohooo... and today, nag start na ang bagong term... new professors, new subjects, new classmates... haay... ang bilis talga...

BUSIPOL - ms. emiliana sarreal
>>> well, i think she's good... she knows what she is talking about... sabi ng iba, matrabaho daw dito... pero i dont care as long as i will pass and i will learn kasi reading the syllabus of busipol, mukhang maganda ang topics dito... i do hope makakakuha ako ng mataas... wahehehe...

QUATECH - dr. rustica badillo
>>> hmm.. wala na akong masasabi pa kay dr. badillo... isa siya sa mga pinakamagagaling na professor sa lasalle... she is strict, pero yung strictness na yun ay nasa lugar... dati na nya ako naging student sa comcalc... and that was a good experience... she even remembers me now! masipag daw ako... hahaha... *blush* wahhehehe...

RELSTRI - sr. lydia madalve
>>> gulat ako hindi si fr. bangcaya ang pumasok sa room... pero according to jenny, my tapat friend, who is also my classmate here, sure 4.0 daw... basta gandahan daw yung notebook and madali lang daw yung quizzes kasi nasa notes lang lahat... weeeee... sana totoo to jenny hahaha.. ayoko kasi ng pasaway na non-major!

FINQUAM - mr. edward see
>>> hmm.... siya pala ang controversial mr. see... hindi ko pa kasi nakikita to since nag-MFI ako.. so ayon nakita ko na... konting review lang kanina, more on COMSTA2... eh ang problem, mejo nakalimutan ko na... so kailangan ko i-refresh ang lahat ng inaral ko... he taught some excel techniques din kanina... leche kasi yung comp1ac ko, wala ako natutunan... kaya ko to!

FINTREA - mr. leo araneta
>>> another jolly professor... mukhang siya ang papalit sa kakulitan ni mr. lawrence co last term... mahilig din magpatawa at magbitaw ng jokes, corny man o nakakatawa talga... walang patawad din, dahil lesson kagad kanina... although, brief background lang naman ng treasury management yung lesson... go go majors! kaya ko to!

FINVEST - mr. joseph james lago
>>> hmmm.. kakaiba to... ang undergrad degree nya ay bs chem eng'g... langya tapos magtuturo sa amin about investment analysis and portfolio management? hehehe.. pero i heard that he's good... i hope madami ako matututunan sa kanya... wala din patawad kasi nag lesson na din at lesson na talga yun... langya... hehehe... god bless sa akin!

o cge dito na muna ang recent updates tungkol sa akin... hehehe

blogger's note: dahuil sa aking pagkaka-opera... hindi ako nakasama sa teambuilding ng tapat last term break... haaay... pero mukhang thankful na lang din ako kay god na hindi ako nakasama dahil madaming freaky things ang nangyari... hehehe... hindi ko na lng to ikwe2nto... hindi ko rin naman alam ang full details... hehehe...